7 bad habits na nagreresulta ng katabaan | Bandera

7 bad habits na nagreresulta ng katabaan

- September 03, 2018 - 08:00 AM


1. “Eating amnesia” – Ayon sa WebMD, isang popular me-dical website, kadalasan nakakalimutan natin na may hawak tayong pagkain lalo na kung nakaharap sa telebisyon. Minsan magugulat ka na lang na yung malaking bag ng chips na hawak mo ay naubos mo sa isang iglap.

2. Kulang sa tulog. Kapag kulang ka sa tulog madalas kang makaramdam ng pagkagutom. Ito ay dahil ang di sapat na pagtulog ay nakakaapekto sa secretion ng cortisol, isang hormone na nagreregulate ng apetite. Mas masakit pa nito, nagreresulta pa ito ng mataas na fat storage sa katawan.

3. May dinner na, may after-dinner pa. Kadalasan lalo na kung lumalabas sa gabi, kumakain na ng dinner tapos pupunta pa sa coffee shop para magkape o di kaya ay mag-dessert. Kaya pag nag dinner, iwasan nang kumain ulit.

4. Starvation-mode shopping. Kadalasan, marami sa atin nag-go-grocery nang gutom. Kaya ang nangyayari ay napapabili ng mga pagkain na di dapat bilhin at kainin.

5. Drinking without thinking. Madaling bumili at uminom. Kaya bago ka pa bumili ng paborito mong milk tea, soft drinks, beer o anumang alcohol, isipin yung sangkaterbang calories na ibibigay nito sa iyo.

6. Hindi pag-aalmusal. Kung ginagawa mo ito, asahan na mas tataba ka pa. Ang tendency, dahil gutom ko, posibleng mag-overeat ka sa lunch at magiging madalas ang iyong mga “breaks” or “snacks”.

7. Pagkuha ng malaking portion ng pagkain. Dahil uso ang mga buffet, madalas sobra-sobrang pagkain ang kinakain natin. Kahit busog na, lafang pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending