Kris sinupalpal ang basher na nagsabing 'extra ka lang!' | Bandera

Kris sinupalpal ang basher na nagsabing ‘extra ka lang!’

Ervin Santiago - July 27, 2018 - 12:35 AM

KRIS AQUINO

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang comment ng isang basher na tumawag sa kanyang “extra lang” sa Hollywood movie na “Crazy Rich Asians” na ibinase sa best-selling novel ng sikat na writer na si Kevin
Kwan.

Nag-post kasi ang Social Media Queen ng poster ng pelikula sa kanyang Instagram account at ibinalitang imbitado siya sa red-carpet premiere nito sa California, USA ngayong August. Isang netizen ang nang-okray kay Kris at nagsabing, “Sus 5 second exposure! Dadaan lang camera sa kanya. Extra! Extra!”

Hindi naman nagpadala sa inis o galit si Kris. Sinagot niya nang maayos ang panlalait ng basher.

Hirit ni Tetay, “Thank you. It is sooooooo difficult to not speak my TRUTH. Because when people actually watch the movie they’ll know what I mean. I was given strict instructions to not say a word until the go signal from @wbpictures office gives me the Philippine trailer to upload.

“Ito lang po ang pwede kong sabihin- IKINATABA ng puso ko na sobrang nagmamahal sa lahat ng Pilipino na nakikipagsapalaran sa lahat ng sulok ng mundo sa maliit o malaki mang posisyon, na ako yung napili for this role. Kasi nga binitbit ko yung ‘identity’ natin.

“And we owe @kevinkwanbooks a big THANK YOU. He fought for us. I never claimed the role had long exposure BUT it is very MEANINGFUL. And we can be proud! For all those times we felt judged or looked down upon- this time in Crazy Rich Asians- tayo ang tiningala. #waitlang,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending