Kept woman na gustong magbago | Bandera

Kept woman na gustong magbago

Beth Viaje - May 02, 2018 - 12:10 AM

Dear Ateng Beth,

Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo, kaya lang nahihiya kasi ako.

Pero dahil sa desperado na akong makahanap ng magpapayo sa akin nang matino, ay naglakas-loob na akong sumulat sa iyo.

Kept woman po kasi ako. At may isang anak kami ng BF ko.

Alam ko naman ang posisyon ko, na hindi ako ang priority. Pero tama bang asahan ng BF ko na sa mundo lang niya ako iikot? I mean, meron po kasing nagkakainterest sa akin ngayon. And this time po, sigurado akong single siya.

Type ko siya pero hindi ko mahal gaya nang pagmamahal ko sa BF ko.

Gusto ko nang makaalis sa kinalalagyan ko ngayon, pero mahirap. Tulungan mo naman akong mag-decide ng tama. Salamat.

Ana, Negros Occidental

 

Haay, Ana…yung mga lalaking may kabit, sila yung isa sa mga pinak-selfish na tao sa mundo.

Meron nang matinong pamilya na nagmamahal sa kanya, gusto pang kumuha ng extrang babaeng magmamahal pa rin sa kanya.

Pag ayaw na niya kay misis, kukuha ng iba. ‘Pag ayaw na kay “iba”, papalitan na naman ng iba.

So ano na nga ang tawag dun? ‘di ba kasakiman?!

At naniniwala ka namang mahal ka niya at sa ‘yo rin iikot ang mundo niya? Siyempre hahanapan ka niya ng commitment, yung one sided na commitment.

Huwag mo siyempreng aasahang magko-commit siya sa iyo kasi nga pamilyadong tao siya, at iyon ay tanggap mo na, ikaw na rin ang may sabi.

On the other hand, para naman tumalon ka mula sa isang lalaking manggagamit papunta sa isang lalaking magagamit mo, e mali rin naman iyon.

So ano na lang pinagkaiba mo sa boyfriend mong may asawa, pareho na kayong “user-friendly”? Ganern?!

Kung ayaw mo na rito sa iyong BF, hiwalayan mo. Do it for the right reason and proper way. Hindi iyong makikipaghiwalay ka dahil may nakita kang bago? E kung malaman nitong bago kung ano ka talaga, igagalang ka pa kaya niya?
I mean ma posibilidad naman na oo, kung mahal ka niya talaga. E kung malaman niyang ginamit mo lang sya para makalabas sa maling relasyon?

Umalis ka muna sa maling relasyon mo. Umalis ka para sa sarili mo. Mabuhay nang tama at para sa iyo at sa anak mo. Ayusin ang sarili. Ibangon ang tiwala sa sarili. Patatagin ang sarili.
Pag may dumating na bago, mabuti. Matutong magmahal ng tama at tapat. Pero hindi dahil gusto mo lang takasan ang sitwasyon mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana pag pumasok ka sa bagong relasyon, yung mahal mo na. YUng mahal mo na rin ang sarili mo. Yung mahal mo na ang lalaki, na napo-foresee mo na makasama hanggang pagtanda nyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending