Kilalang female celebrity tamad, spoiled, walang pasensiya; dedma rin sa hygiene | Bandera

Kilalang female celebrity tamad, spoiled, walang pasensiya; dedma rin sa hygiene

Cristy Fermin - May 02, 2018 - 12:15 AM


NATURAL na pala sa isang pamosong female personality ang pagiging tamad. Kinatatamaran niya ang lahat ng bagay, pati ang kanyang personal na hygiene ay kinatatamaran din niya, palibhasa’y lumaki siyang walang alam.

Ganu’n ang umiikot na kuwento tungkol sa kilalang babaeng personalidad, mainipin siya, ayaw niya ng trabahong pinaghihirapan. Pumapasok ang katamaran sa sistema niya.

Kuwento ng aming source, “Lumaki kasi siyang nandiyan na ang lahat-lahat. Spoiled siya. Lahat ng kailangan niya, kahit maaabot na lang niya, e, kailangan pa niyang iutos.

“Kaya hanggang ngayon, ganyan pa rin siya, tamad, mainipin, walang tiyaga. Kahit nga ang sarili niya, e, kinatatamaran pa rin niya.

“Mainipin siya sa pagpapa-make-up, ang gusto niya, e, tapos agad ang pagkokolorete sa face niya. Wala talaga siyang tiyagang babae, puro instant ang gusto niya!” sabi ng impormante.

Kahit sa kanyang trabaho bilang artista ay maraming nakakapansin sa kawalan niya ng tiyaga, nakasimangot siya kapag nakasalang na sa mga camera, naiinip kasi siya.

“Ayaw niya ng mga work na matagal, makikita agad ‘yun sa face niya, gusto na niyang hilahin ang oras para makapag-pack-up na siya.

“Kaya paano siya mabibigyan ng mga projects kung ganu’n naman pala siya kawalang tiyaga? Konting trabaho lang, e, kinaiinipan na agad niya?

“Ang hindi lang niya kinaiinipan, e, kapag kasama na niya ang mga kabarkada niya, ‘yun, kahit pa abutin sila nang susunod na umaga, wala siyang pakialam! Hindi siya naiinip kapag dibersiyon ang ginagawa niya.

“At nagrereklamo pa ang mga faney ng girl, galit na galit sila sa network na pinagtatrabahuhan ng idolo nila, bakit daw wala siyang serye?

“Aysus, bibigyan ng serye ang babaeng ‘yun na palaging nakatingin sa relo niya kung anong oras na? Sila na lang kaya ang mag-produce ng serye para sa lodi nila!” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakow, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa ba naman ng clue para matumbok n’yo kung sino ang babaitang ito? Waley na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending