Sumpunging female celebrity simple lang ang ganda pero nagiging ‘halimaw’ sa TV
MAY attitude din ang isang female personality na kasama ngayon sa isang seryeng kasisimula pa lang, pero mas hinahangaan ng kanyang mga katrabahong production staff ang kasimplehan ng aktres, panalung-panalo para sa kanila ‘yun.
Darating siya sa set na kaliligo lang, nakatsinelas at pambahay na kasuotan, pero kapag nameyk-apan na ay nagmimistulang halimaw.
Kuwento ng aming source, “Wala naman talaga siyang hilig sa bonggang postura, e! Kung ano siya, ‘yun na ‘yun! Di ba, pinagpipistahan siya kapag nagmo-malling? Paano, nakatsinelas lang siya, simpleng lumang t-shirt, nakapunggos lang ang hair niya!
“Natural na sa kanya ang pagiging simple lang, pero aminin naman natin na kapag fully made-up na siya, e, hitsura siyang Hollywood star! Napakaganda niya, di ba naman?
“Ganu’n din sya sa set. Makikita mo siyang parang wala lang, basa pa ang hair niya kapag nagre-report sa taping, parang hinablot lang niya sa cabinet ang suot niyang t-shirt, halatadong ni hindi pinadaanan sa plantsa.
“Ganu’n siya kasimple. Parang nasa bahay lang siya. Hindi mo siya makikitang may suot na alahas, ni hindi nagpapa-picture, pero nagmumura naman ang natural niyang ganda!” papuri ng aming source sa maganda ang simpleng aktres.
Oo nga naman, halos lahat ng mga personalidad ay may tantrums, may sumpong sila na hindi mo agad masasakyan. May ganu’n ding katangian ang magandang aktres.
“Minsan, tahimik lang siya sa dressing room niya, nandu’n lang siya, nagbabasa-basa. Wala siyang ganang makipagkuwentuhan, basta nandu’n lang siya. Naiintindihan na ‘yun ng mga katrabaho niya.
“Ang mahalaga, kapag sumasalang na siya, e, walang problema si direk, lalo na ang production staff, dahil kabisado na niya ang mga dialogues niya!
“Ganu’n siya, kinakarir niya talaga ang career niya, alam niya ang mga ginagawa niya, wala ka nang hahanapin pa sa kanya. Take one si ate girl sa mga eksena niya, madalang siyang ma-take two, at kung mangyari man ‘yun, e, sa technical side ang problema.
“Magaling na aktres ang girl, hindi siya nawawalan ng raket dahil magaan siyang dalhin, nagbunga ang munting tinig ng girl na ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.
Tunog-lalaki ang palayaw niya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kaya alam na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.