5 kawal sugatan sa IED blast | Bandera

5 kawal sugatan sa IED blast

John Roson - February 18, 2018 - 03:50 PM
Limang sundalo, kabilang ang isang opisyal, ang nasugatan nang pasabugan ng improvised na bomba ng mga di pa kilalang salarin sa isang tulay sa Datu Unsay, Maguindanao, Linggo ng umaga.   Sugatan sina 1Lt. Jano Cyril Reyes, Pfc. Maguncia, Pfc. Purol, Pfc. Crispo, at Pvt.  Ramirez, pawang mga miyembro ng Army 57th Infantry Battalion, sabi ni Senior Insp. Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police.   Naganap ang pagsabog sa Meta bridge, Brgy. Meta, dakong alas-7:30.   Dumadaan noon si Reyes at mga kapwa kawal sa tulay, sakay ng KM-450 truck na minaneho ni Crispo, ani Delos Santos.   Dinala ang mga sugatan sa Integrated Provincial Health Office para malunasan.   Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon para matukoy kung sinong mga nasa likod ng pag-atake, sabi ni Chief Supt. Graciano Mijares, direktor ng ARMM police. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending