Male star adik na adik sa 'tsuktsukan', kung sinu-sinong babae ang nabibiktima | Bandera

Male star adik na adik sa ‘tsuktsukan’, kung sinu-sinong babae ang nabibiktima

Cristy Fermin |February 10,2018
facebook
share this

Male star adik na adik sa ‘tsuktsukan’, kung sinu-sinong babae ang nabibiktima

Cristy Fermin - February 10, 2018 - 12:15 AM


HALA! Panay-panay ang pagdedenay ng isang male personality tungkol sa mga kababalaghang ginagawa niya sa mga kababaihan, kesyo hindi raw naman siya ang naghahanap ng makakasiping, ang mga girls daw ang nagyayaya sa kanya.

Pero kalat na kalat na pala ang kanyang atake sa mga babae, mismong mga kasamahan niyang naglalaro ng basketball ang nagpapatunay na totoo, malikot ang aparato ng male personality.

Kuwento pa nga ng isang source, “Totoo naman ‘yun, ngayon lang naglabasan, totoong mainit ang karburador ng lalaking ‘yun! Palibhasa, e, may dugo siyang mainit talaga, kaya kailangang maglabas siya ng init ng katawan.

“Hindi na bago ‘yun sa mga katropa niya, madalas niyang gawin ang ganu’n, mabilis talaga siya sa babae. Kahit sa malalayong shows niya, para-paraan lang ‘yan, nakagagawa siya ng milagro.

“Hindi niya kailangan ng ahente, hindi siya nangangailangan ng tulong, siya mismo ang nakikipag-communicate sa girl, solohan lang ang ginagawa niya. Sa isang iglap lang, meron na siyang partner, napakalakas ng loob ng lalaking ‘yun!” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero nag-aalala ang mga nakakakilala sa kanya, nagbibigay raw naman kaya siya ng biyaya sa babae kapag tapos na ang kanilang pagbiyahe sa langit, kilala pala ng kanyang mga katropa sa pagiging kuring ang aktor na ito.

“Naku, birthday nga niya mismo, e, hindi niya ginagastusan! Magse-celebrate siya, pero kailangang may bitbit na food ang mga iniimbitahan niya, tama ba ‘yun?

“Nakakaloka siya, mahigpit ang zipper ng bulsa ng lalaking ‘yun! Kahit sa mga lakad nila ng mga kaibigan niya, hindi naglalabas ng datung ‘yun! Kuring ang lokong ‘yun!

“Kaya ang tanong, gibsung ba naman siya sa mga nakaka-date niyang girls? Baka nga kahit food lang, e, hindi siya nag-aabalang magbigay?

“Huwag na siyang magdenay, kabisado na ng mga katropa niya ang mga pinaggagagawa niya, malikot talaga siya, parang hindi siya mabubuhay nang hindi nakikipagtsuktsakan!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, paglaruin n’yo na nga lang siya ng tennis, tutal naman, e, kilalang-kilala ang kaapelyido niyang magaling humawak ng raketa!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending