Tisay na celebrity bata pa kang maldita na, hirap na hirap magbago | Bandera

Tisay na celebrity bata pa kang maldita na, hirap na hirap magbago

Cristy Fermin - January 27, 2018 - 12:15 AM


ANG naturalesa ay hindi naitatago. Ang maldita ay may kamalditahan talaga kahit sa harap ng mga camera. Hindi ‘yun naitatago, nakikinis lang, pero lumulutang pa rin ang kanaturalan.

Sabi’y nabawasan na raw ang kamalditahan ng isang aktres, kinausap na raw ng mga nagmamaneho ng kanyang karera ang may sariling mundong babae, pero maraming kasamahan niya ang nagpapatunay na hindi pa rin siya nagbabago.

Kuwento ng isang source, “Maiiwasan niya pansamantala ang pagmamaldita, lalo na kung may nagpapaalala sa kanya, pero ang tunay pa rin niyang ugali ang makikita sa mga pagkakataong hindi siya nababantayan.

“E, hindi niya naman kasama ang mga PA niya sa lahat ng panahon, kaya ganu’n pa rin ang nangyayari, kamalditahan pa rin niya ang lulutang.

“Batambata pa kasi si ____ (pangalan ng aktres), e, maldita na ‘yun! Kapag nagpupunta siya sa party ng mga anak ng ibang artista, e, kitang-kita ang kamalditahan niya.

“Natural, dahil maganda siya at parang doll, maraming kaibigan ng parents niya ang halos manggigil na sa kanya. Nandiyang pisilin siya sa pisngi sabay sabing ang ganda-ganda niya.

“Minsan naman, e, hinahalikan siya. Tisay na tisay kasi siya, kulut-kulot pa ang hair niya, kaya para talaga siyang manyika. Alam n’yo ba kung ano ang gagawin niya kapag may humahalik sa kanya?

“Pinupunasan niya ang pisngi niya nang nakikita ng humalik sa kanya! Wala siyang pakialam, nakasimangot niyang pupunasan ang pisngi niya! Ganu’n na siya kamaldita kahit nu’ng maliit pa lang siya!

“‘Yun na siya talaga, kaya nu’ng maging artista na siya, e, dala-dala pa rin niya ang pagiging maldita at supladita niya! Hindi na ‘yun magbabago, kakambal na niya ‘yun, nakadikit na sa balat niya!” madiing kuwento ng source.

‘Yun kaya ang dahilan kung bakit siya iniwan ng karelasyon niyang guwapo na ay nabibilang pa sa kilalang-kilalang pamilya sa mundo ng pulitika at showbiz?

“Ano pa nga ba? Di ba, kapag may sumpong siya, e, hindi man lang siya nagbebeso sa mudra ng ex niya? Ganu’n siya kamaldita, kahit ang mommy nga niya, e, hindi umuubra sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basbasan n’yo kaya siya ng agua bendita, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, para mabawasan naman ang kamalditahan ng girl na ito?” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending