Manila court ipinag-utos ang muling pag-aresto sa mga Tiamzon | Bandera

Manila court ipinag-utos ang muling pag-aresto sa mga Tiamzon

- January 17, 2018 - 04:19 PM

IPINAG-UTOS ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang muling pag-aresto sa mag-asawang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Benito and Wilma Tiamzon.
Sa isang desisyon na may petsang Enero 11, na isinapubliko ngayong araw, bukod sa mga Tiamzon, ipinaaaresto rin ng Manila RTC Branch 32 ang kapwa akusado na si National Democratic Front (NDF) consultant Adelberto Silva.
“The court finds no reason to further allow their temporary liberty,” sabi ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang terminasyon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).
“Inarguably, the sole reason for their grant was to enable said accused to participate in the peace process,” ayon pa kay Medina.
Naglabas ang RTC ng hiwalay na warrant of arrest sa mga Tiamzon at laban kay Silva, kung saan walang piyansang inirekomenda.
Pinayagang makalaya ang mag-asawang Tiamzon at si Silva noong Agosto 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending