70% ng Naga City lubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan
LUMUBOG ang 70 porsiyento ng Naga City dahil sa walang tigil na malalakas na pag-ulan simula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.
Sinabi ni Naga City Mayor John Bongat na pinaka apektado ay ang barangay Calauag, partikular ang Sitio Clupa, na siyang sumasalo ng tubig mula sa matataas na barangay, kung saan umabot sa baywang ang baha.
Inilikas ang mga matatanda, mga bata, buntis at mga may kapansanan.
Idinagdag ni Bongat na pansamantalang nanunuluyan ang 300 pamilya sa evacuation center ng lungsod hanggang humupa ang tubig.
Ayon kay Bongat, may mga barangay na hindi binabaha ang ngayon ay apektado na dahil sa mga isinasagawang road-widening projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa isinasagawang road-widening project ay ang barangay San Felipe at barangay Panganiban. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending