Makakaahon pa ba sa kahirapan?
Sulat mula Turo ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Electrician ang trabaho ko kaya lang bihira na lang ang tumatawag sa akin at kung may trabaho man kapos na kapos ang aking kinikita. Ang misis ko naman ay naglalabada lang kaya sa kasalukuyan ay hirap na hirap kami. Pito kasi ang anak namin, at kulang na kulang ang aking kinikita. Kaya sa ngayon tadtad kami ng utang kung saan-saan, kaya marami ang naghahanap at naniningil sa akin. Hindi ko nga malaman kung saan ako magtatago. Bukod sa mabigat na problema sa pera may sakit pa ako sa ngayon. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay, kaya lang naaawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matulungan nyo ako kung paano ko lulutasin ang problemang ito sa pera? Sa palagay nyo may pag-asa pa kaya kaming maka-ahon sa kahirapan? Kung may roon pa, kailan kaya at sa paanong paraan? March 10, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Turo Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay at nakiisa na Guhit ng Tulong Mula sa Isang Kamag-anak o mula sa isang Kaibigan (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong Fate Line na nagsasabing sa tulong ng isang malayong kamag-anak na nakatakdang dumating sa inyong lugar, magugulat ka, – biglang magbabago ang buhay ng iyong pamilya na may kaugnayan sa materyal na bagay.
Cartomancy:
King of Diamonds, Jack of Clubs at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaki at isang babae ang tutulong sa inyo, hanggang sa makaahon kayo sa kahirapaan. Ito ay malapit na malapit ng maganap, posibleng sa susunod na taong 2018 sa edad mong 39 pataas.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.