Break sa pag-upo dapat ipatupad | Bandera

Break sa pag-upo dapat ipatupad

Liza Soriano - November 03, 2017 - 12:15 AM

MAY kaakibat na panganib sa kalusugan ng ating mga manggagawa ang matagal na pagkakaupo.
Kaya naman nagpalabas ang Labor Department ng kautusan na nag-aatas sa mga establisimyento para maiwasan ang peligrong naidudulot sa kalusugan dahil sa matagal na pagkakaupo.
Base sa Department Order No. 184, ang lahat ng employer at establisimyento na magpatupad ng nararapat na pamamaraan upang tugunan ang mga usaping pangkalusugan at kaligtasan na may kinalaman sa matagal na pag-upo sa trabaho ng mga empleyado.
Tinitiyak ng nasabing kautusan ang kalusugan at kaligtasan ng manggagawa sa lugar-paggawa na makakatulong sa pagiging produktibo ng mga kompanya at industriya dahil sa maayos na kondisyon sa paggawa.

Nakasaad sa kautusan na dapat magpatupad ang mga establisimyento ng regular na limang-minutong pahinga kada dalawang oras mula sa pagkakaupo at hinihikayat ang mga manggagawa na bawasan ang oras ng pagkakaupo sa pamamagitan ng pagtayo at paglalakad.

Kinakailangan din na tiyakin ng mga employer na ang mga lugar-paggawa ay naayon sa klase ng trabaho, at maaaring tumayo-umupo at kinakailangan na maayos na nakakakilos ang mga manggagawa sa kanilang lugar-paggawa.

Inaatasan din ang mga establisimyento na isaayos ang kanilang mga gawain upang magkaroon ng pabago-bagong paggalaw o pagkilos.

Hinihikayat din ang mga employer na magkaroon ng mga gawaing pangkalusugan para sa karagdagang kaalaman ng mga manggagawa sa epekto sa kanilang kalusugan nang matagal na pagkakaupo.
Ang ilan sa mga epekto sa kalusugan ng matagal na pagkakaupo ay ang pagkakaroon ng musculoskeletal disorder, high blood pressure, heart disease, anxiety, diabetes, at obesity.
Ang pangangasiwa ng gawaing pangkalusugan ay upang magkaroon ng mga pisikal na gawain ang mga manggagawa pagkatapos ng kanilang trabaho, tulad ng calisthenics at dance lessons, upang maiwasan ang panganib sa kalusugan dulot ng matagal na pagkakaupo.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending