Ex-journalist Joel Palacios, 4 pa patay sa pananaksak; 4 sugatan
PATAY ang isang dating mamamahayag mula sa Philippine Daily Inquirer at dating tagapagsalita ng Social Security System (SSS) matapos walang habas na nanaksak ang isang lalaki na nagkaroon ng pagtatalo sa kanya girlfriend sa loob ng isang condominium building sa Pasay City, kagabi.
Namatay ang biktima na si Joel Palacios, 70, sa ospital matapos pagsasaksakin ng suspek na nakilalang kalaunan na si Robert Garan, na naghuramintado sa loob ng Central Park Condominium na matatagpun sa D. Jorge st., sa Pasay ganap na alas-6:30 ng gabi.
Ayon sa ulat, nag-away si Garan at kanyang girlfriend na si Emelyn Sagun, bago ito magwala at manaksak ng walang habas.
Unang sinaksak ni Garan si Sagun at itinulak sa hagdanan mula sa ika-16 na palapag papunta sa basement ng gusali.
Nasa kritikal na kalagayan naman ang live-in partner ni Palacios na si
Belle Elorde, nang lumabas ito sa kanilang unit matapos marinig ang kaguluhan.
Sinabi ni Mae Elorde, kapatid ni Belle, na nasa hallway ng ika-16 na palapag ng condominium si Palacios nang sugurin siya ng suspek at paulit-ulit siyang pagsasaksakin.
Idinagdag ni Mae na lumabas si Belle ng kanilang unit at nakitang inuundayan si Palacios ng saksak ng suspek.
“Inawat niya (Belle) sana yung tao, pero siya yung nabalingan tapos si Kuya Joel bumagsak na siya,”sabi n Mae.
Napatay ang suspek ng mga rumespondeng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics Team, makalipas ang ilang oras.
Agad na dinala sina Palacios at Belle sa kalapit na Pasay General Hospital, bagamat idineklara ang dating mamamahayag na dead on arrival.
Bukod kina Palacios at Sagun, pinagsasaksak din ng suspek at napatay sina Daisery Castillo, 12; Ligaya Dimapilis, 36; at Letecia Ecsiagan.
Sugatan naman sina Belcris Elorde, April Joy Sagarino, Arlyn Dian Cordero at Margie Morales.
Nagtrabaho si Palacios sa Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, Manila Standard, Today, Reuters, at South China Morning Post na nakabase sa Hong Kong.
Nagsilbi rin siya bilang tagapagsalita ng Assistant Vice President for Media Affairs ng SSS ng 15 taon bago ang kanyang pagreretiro noong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending