Maute group, naka-shabu | Bandera

Maute group, naka-shabu

Ramon Tulfo - May 30, 2017 - 12:15 AM

GUMAGAMIT ng shabu ang mga miyembro ng Maute group kaya’t mabangis na nakikipagba-rilan sa mga sundalo sa Marawi City, ayon sa
aking espiya sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga Maranaw—Moro ng Lanao—ay hindi tanyag sa pagiging matapang, di gaya ng mga Tausug ng Sulu at Tawi-Tawi, dahil karamihan sa kanila ay mga negosyante.

Ang mga taong nakashabu ay nawawalan ng matinong pag-iisip, kaya raw mabangis ang mga Maute group sa pakikipaglaban sa mga sundalo at pulis sa Marawi.
***

Ang Marawi City, na kilala na seat of Islam sa bansa, ay notorious sa pagkalat ng shabu sa mga kabataan nito.

Ipinagbabawal ng Islam ang pag-inom ng alak, mas lalo na ang paggamit ng ilegal na droga, pero marami sa mga followers nito na hindi sumusunod sa ipinagbabawal.

Karamihan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan, na mga Islamic fundamentalists gaya ng Maute, ay gumagamit ng shabu kaya’t fight to the finish kapag napapalaban sila sa mga government troops.
***

Maraming sibilyan, kasama na rito ang walong trabahante na natagpuang bangkay sa isang bangin sa Marawi City, ay pinatay dahil sila’y mga Kristiyano.

Ang Maute group, na pinamumunuan ng magkapatid na mga dating overseas contract workers ng Middle East na sina Omar at Abdullah Maute, preaches hatred for people who embrace other faiths.

Ang mga bandidong Maute ay followers ng ISIS o Islamic State in Iraq and Syria na nagpapanukala na magtayo ng caliphate o Islamic kingdom sa buong mundo.

Many people in Europe look with suspicion at refugees or citizens from the Middle East who live in their countries because of ISIS.

This suspicion has prompted some people in Sweden to burn down a mosque.
***
Milyon-milyong ibon of different species na naglipana sa Candaba swamp sa Pampanga kaya’t maraming mga bird watchers sa buong mundo ay nagpupunta sa napakalawak na lawa.

A nature lover, I have seen those birds darken Candaba’s daylight sky as they flew in flock; napakagandang tanawin ang mga ito dahil sa ganda ng scenery ng Candaba swamp.

Hinihikayat ko ang aking kapatid na si Tourism Secretary Wanda Teo na gawing tourist destination ang Candaba swamp.

Dahil sa ganda ng Candaba swamp, ginawa nang taun-taon ang pagtitipon ni dating Mayor Jerry Pelayo ang mga ibon at itlog ng mga ito at tinawag niya itong “Ibon-Ebon Festival.”
***
Ang mga sekyu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 and 3 ay hindi natutulog.

Pinipilit sila ng kanilang security agency, ang Advance Forces, na mag-duty ng 24 oras, lalo na sa mga araw na mara-ming pasahero.

Hindi ito eksaheras-yon o exaggeration dahil isa sa mga guwardiya ng Advance Forces na si Edwin Zerrudo ay nagkasakit at naospital.

Zerrudo developed severe anemia because of lack of sleep.

Ang masakit pa nito, hindi babayaran ng Advance Forces Security Agency ang ospital at gamot ni Zerrudo kahit na kinakaltasan siya at ang kanyang mga kasamahan sa kanilang suweldo ng agency ng P700 kada buwan.

At alam ba ninyo kung anong kumpanya ang nagkakaltas ng P700 sa kanilang suweldo? Ang Medocare na pag-aari ni Col. (kuno) Esteban Uy na nagmamay-ari din ng Advance Forces!

Tinawagan ng aking programa, Isumbong mo kay Tulfo, si “Colonel” Uy— miyembro raw siya ng Army reserve—pero ayaw niyang makipag-usap sa akin.

Sinabi ng kanyang sekretarya na makipag-usap na lang ako sa kanyang mga abogado.

Hala sige, magkikita na lang tayo, “Colonel” Uy sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o Sosia at sa Insurance Commission.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isusumbong din ng aking programa sa Manila International Airport Administration o MIAA, na nagpapatakbo ng lahat ng NAIA terminals, ang Advance Security Agency upang i-revoke ang kontrata nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending