Celebrity newsmakers pinagpasa-pasahan ang ‘Mahiwagang Fruitcake’ ng showbiz! | Bandera

Celebrity newsmakers pinagpasa-pasahan ang ‘Mahiwagang Fruitcake’ ng showbiz!

Ronnie Carrasco III |December 17,2016
facebook
share this

Celebrity newsmakers pinagpasa-pasahan ang ‘Mahiwagang Fruitcake’ ng showbiz!

Ronnie Carrasco III - December 17, 2016 - 01:00 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

KRIS Aquino…Bow!

(Columnist’s note: For many years that it had been on air, nakasanayan na ng Startalk na gumawa ng VTR feature on the pinagpapasa-pasahang Christmas fruitcake. This is Showbizified’s revived version on the traditional gift which is passed on to another celebrity na may kunek sa nagbigay, and so on. Bahala na ang mga mambabasa to figure out the link)

Fond of cooking, Kris Aquino makes an attempt at baking. This time, ang kanyang freshly oven-baked fruitcake ay iniregalo niya kay Maine Mendoza out of gratitude. Diet-conscious, ini-recycle ‘yon ni Maine para ibigay kay Alden Richards.

Sa halip na kainin, ibinigay ‘yon ni Alden kay Kathryn Bernardo nang magkita at a product launch kung saan pareho silang endorser. But loyal to her loveteam, ipinasa ni Kathryn ang fruitcake kay Daniel Padilla na sa sobrang pagka-mama’s boy ay ibinigay na lang kay Karla Estrada.

On strict watch sa kanyang blood sugar, naisip ni Karla na ibigay na lang ‘yon sa kanyang hipag na si BB Gandanghari, na ipinasa na lang kay Piolo Pascual.

Kinagatan lang ‘yon nang kapiraso ni Piolo na parang mansanas lang sa paraisong Eden, pero naumay sa tamis kaya ibinigay na lang kay Mark Bautista na noong magkita naman sila sa CNN studio ay iniregalo niya kay Anderson Cooper.

As a token of friendship sa ngalan ng broadcast journalism ay ipinasa ni Anderson ang fruitcake kay Korina Sanchez, na bilang isang mapagmahal na asawa’y tiniis na lang niya ang pagtakam at ibinigay kay Mar Roxas.

In the name of unity and reconciliation ay ini-recycle ‘yon ni Mar at ipinangregalo kay dating Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na ipinasa sa kanyang wife-successor na si Cristina Gonzales.

Dahil marunong tumanaw ng utang na loob noong nasa showbiz pa siya, Kring Kring repackaged it and gave it to Robbie Tan, na ipinasa naman kay Gretchen Barretto, na sa sobrang pagka-miss sa nawalay na kapatid ay ibinigay kay Claudine.

Grateful for all the legal assistance extended to her ay iniregalo ni Claudine ang fruitcake kay Atty. Ferdie Topacio, na idinaan sa kanta nang ibigay naman niya kay Denise Cornejo.

Sobrang pasasalamat din ang iginanti ni Denise sa kabutihan ni Cedric Lee na may hawak na ngayon ng fruitcake, na ini-recycle din nito’t nilakipan pa ng card para kay Vina Morales. Dahil maganda naman ang kanilang nakaraan, i-pinasa ‘yon ni Vina kay Robin Padilla.

Pagbabalik-tanaw rin sa makasaysayan nilang kahapon ang dahilan ng pagpasa ni Robin ng fruitcake kay Sharon Cuneta, na kabaligtaran naman kaya ibinigay na lang niya ‘yon kay Gabby Concepcion.

Kahit wala nang namamagitan business relationship sa kanila ay ipinasa ‘yon ni Gabby kay Lolit Solis (a famous gift recyclist), na tutal naman daw ay Pasko ay ibinigay na lang kay Rosanna Roces.

Bilang ninang naman dati sa kasal nila ni Tito Molina, iniregalo na lang ‘yon ni Osang kay Cristy Fermin. Dahil mas naadik ito sa Toasty’s ng Regent Foods Corp. (mag-plug?!) ay ipinasa na lang ‘yon ni Tita Cristy kay Mocha Uson.

Dahil hindi rin mocha-flavored ang fruitcake, ipinasa na lang ‘yon ng sexy entertainer kay Agot Isidro na ipinangregalo naman ng singer-actress kay Pangulong Rody Duterte.

Sa diwa naman ng pagkakaisa, ibinigay ni Digong ang “unity fruitcake” ek-ek kay VP Leni Robredo na sa sobrang pasasalamat sa kanyang pangangampanya noon at suporta kahit hindi na siya miyembro ng Gabinete ay iniregalo ‘yon kay Kris Aquino.

Sabi nga, “Give and you shall receive.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa fruitcake story na ito, what you sow is what you reap. Literally, that is!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending