Singil sa Meralco tataas ngayong buwan
ASAHAN na ang mas mataas na bill sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, tataas ang kanilang singil ng P0.1011 kada kiloWatt hour o magiging P8.36 kada kWh ang kanilang singil.
Gayunman, mas mababa pa rin umano ang bayaring ito kumpara sa P8.61 kada kWh na singil noong Disyembre 2015.
Ang pagtaas ng singil ay iniuugnay sa paglakas ng dolyar kontra piso. Halos P50 na ang palitan ng dolyar na pinakamababa sa nakaraang 10 taon.
Umakyat ang generation charge o ang singil ng mga planta sa paggawa ng kuryente ng P0.0915 kada kWh.
Ang gumagamit ng 200 kWh ay sisingilin ng dagdag na P20 ngayong buwan. P30 naman sa kumokonsumo ng 300 kWh, P40 sa 400 kWh at P50 sa 500 kWh.
Ngayong taon, walong beses nagbaba ang Meralco ng singil na kung pagsasama-samahin ay aabot sa P1.281 kada kWh. Apat na beses naman itong tumaas na nagkakahalaga ng P1.036 kada kWh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.