Duterte nag-iisang bumaba ang trust rating sa top 5 gov't officials | Bandera

Duterte nag-iisang bumaba ang trust rating sa top 5 gov’t officials

Leifbilly Begas - October 21, 2016 - 03:15 PM
duterte3-0802 Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang sa limang pinakamataas na opisyal ng gobyerno ang nakaranas ng pagbaba sa trust rating, ayon sa survey ng Pulse Asia Research.      Ayon sa survey noong Setyembre 25 hanggang Oktobre 1, si Duterte ay nakapagtala ng 86 porsyentong trust rating mula sa 91 porsyento noong Hunyo. Pinakamalaki ang ibinaba niya sa National Capital Region na naitala sa 81 porsyento mula sa 81; iba pang bahagi ng Luzon na 82 porsyento mula sa 89, Visayas na 86 porsyento mula sa 89 at isang porsyento naman ang ibinaba niya sa Mindanao na may 96 porsyento.      Ang kanyang distrust rating ay umakyat naman sa tatlong porsyento mula sa zero at ang undecided at 11 porsyento mula sa 8.      Tatlong porsyento naman ang itinaas ni Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng 65 porsyento. Siya ay may 10 porsyentong distrust (mula sa 11) at ang undecided at 24 (mula sa 27).      Si Senate President Koko Pimentel naman ay may 55 porsyentong trust rating mula sa 50. Siya ay may anim na porsyentong distrust (mula sa 9) at ang undecided ay 37 (mula sa 40).      Pinakamalaki naman ang iniakyat ng trust rating ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Siya ay nakakuha ng 17 porsyentong pagtaas o mula 24 porsyento ay naging 41 porsyento ito.      Siya ay may 10 porsyentong distrust mula sa 13 at ang undecided at 45 mula sa 58.      Tumaas naman ng siyam na porsyento si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na may 44 porsyentong trust rating. Siya ay may 10 porsyentong distrust (mula sa 19) at ang undecided ay nanatili sa 42 porsyento.      Nakapagtala naman ng limang porsyentong pagtaas ang trust rating ng Senado na naitala sa 58 porsyento. Mayroon itong 8 porsyentong distrust (mula sa 11) at 34 porsyento ang undecided (mula sa 33).      Ang Kamara de Representantes naman ay nakapagtala ng tatlong porsyentong pagtaas mula 49 ay naging 52 na ito. Mayroon itong 9 porsyentong distrust (mula sa 11) at ang undecided ay nanatili sa 38.      Ang Korte Suprema naman ay nakapagtala naman ng tatlong porsyentong pagbaba at nasa 51 porsyento. Mayroon itong 10 porsyentong distrust (mula sa 12) at undecided na 39 porsyento (mula sa 33).      Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents tig-300 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending