Jay-R Siaboc sumuko sa pulisya matapos mabalitang isa siyang tulak
SUMUKO sa pulisya ang Pinoy Dream Academy first runner up na si Jay-R Siaboc sa Toledo City Police Office sa Toledo City, Cebu matapos kumalat sa social media na sya ay isang drug pusher. Ayon sa report ng Cebu Daily News, sumuko si Jay-R kasama ang kanyang asawa at pinsan alas-11 ng umaga Martes dahil natakot umano sila para sa kanilang kaligtasan. Sumuko si Jay-R kay Supt. Samuel Mina Jr, ang acting chief ng TCPO. Bagamat hindi aniya sila pusher, umamin si Jay-R at misis nito na gumagamit sila ng ilegal na droga. Pumirma na si Jay-R ng waiver at patuloy na imomonitor ng mga pulis. Isa siya sa 528 na sumuko sa Toledo noong Martes. Si Jay-R ay unang nakilala nang sumali ito sa Pinoy Dream Academy kung saan ang tinanghal na grand winner ay si Yeng Constantino. Ilang beses na rin siyang nag-appear sa mga palabas sa telebisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.