Duterte toys, hair art at tattoo mabentang-mabenta sa madlang pipol
NGAYONG Linggo, babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang naganap na inagurasyon ni President Rodrigo Roa Duterte.
Noong Huwebes pormal na nanumpa bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas si Duterte. Isa man siya sa pinakakontrobersyal na presidente ng bansa, hindi maikakailang isa rin siya sa pinakamalakas ang karisma. Patunay niyan ang kanyang mga tagasuporta na kahit tapos na ang eleksyon, patuloy pa ring pinapakita sa iba’t ibang pamamaraan kung paanong nananalig sila sa pamumuno ni Duterte.
Sa hometown mismo ni Digong, ang kanyang supporters, libreng nagpa-imprenta ng Duterte shirts. Meron ding gumawa ng Duterte toys, nagpaayos ng Duterte hair art, at kung meron pang mga nagpa-tattoo ng mukha ng ating bagong pangulo. Titikman din ng KMJS ang ilan sa mga inihaing pagkain sa inagurasyon ni bagong pangulo. Sa Davao, may food trip sa iba pang mga paboritong pagkain ni Digong tulad ng tapa flakes, hinalang, at maruya.
Samantala, sa bayan ng Banga sa South Cotabato, nakilala ng KMJS ang siyam na taong gulang na si Kianna na nahulog sa duyan noong siya ay bata pa. Dahil dito, lumaki siyang hindi nakakalakad. Para makapasok sa eskwela, sa halip na wheelchair stroller ang kanyang sinasakyan.
May bago raw LSS o last song syndrome ang bayan ngayon. Ito ang kantang “Secret Love Song” na inawit ng tatlong kolehiyala mula Davao habang nagre-retouch sa banyo. At ang pinaka-trending ngayon, ang mga nagbibihis Valak na kumakanta pa ng “Pag May Alak May Balak”, habang ginagaya ang sikat na karakter mula sa “The Conjuring 2”.
Tutok na sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo pagkatapos ng Ismol Family sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.