NAKIPAGKITA ang presidential aspirant na si Sen. Grace Poe kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Pero itinanggi ni Poe na nakipag-usap siya kay Ramos upang hilingin ang pag-endorso nito.
“I sought time with President Ramos to seek his views and advice on various issues confronting the nation,” ani Poe.
Dagdag pa niya: “It had nothing to do with any enforcement. The discussion went well and was very enriching.”
Isang araw bago nagsimula ang 90-day national campaign, inendorso ni Ramos si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na tumatakbo sa pagkabise presidente.
Sinabi naman ni Ramos na ang dapat na susunod na pangulo ng bansa ay dapat ‘world class’. Wala pa siyang hayagang sinasabi na sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending