MAGANDANG balita sa mga motorista magpapatupad ng pagtapyas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Flying V ngayong hatinggabi
Epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Abril 12,magbaba ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina,55 sentimos sa kerosene at 50 sentimos sa diesel nito.
Agad naman sinundan ng Pilipinas Shell na magpatupad din ng kaparehong pagtapyas ng presyo sa produktong petrolyo nito bandang 6:00 ng umaga.
Asahan na ang pagsunod ng Total Philippines , Petron Corporation at Chevron (Caltex) sa kahalintulad na oil price rollback kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong oil price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Kamakailan (Abril 5), pinangunahan ng Flying V , Pilipinas Shell at Petron Corporation ang bawas-presyo na 60 sentimos sa kada litro ng diesel,40 sentimos sa kerosene at 15 sentimos sa gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.