Sasagot ka ba ng YES sa proposal ng dyowa kung sugarol, baon sa utang?

Stock image
SASAGUTIN mo ba ng “YES” ang dyowa mo sakaling mag-propose siya sa ‘yo kahit alam mong baon na baon siya sa kautangan?
At hindi lang iyan, bukod sa kanyang mga utang na hindi nababayaran, e, mahilig ding magsugal ang kanyang fiancé kaya palaging nauubos ang kanyang kaperahan.
Iyan ang nakakalokang sitwasyon ngayon ng isang call center agent na isa ring dakilang breadwinner ng kanilang pamilya. Nag-post siya ng mahabang open letter sa Facebook page na Peso Sense kung saan ibinahagi niya ang mga kaganapan sa pagsasama nila ng kanyang dyowa.
“Hi! Recently got engaged. As a breadwinner normal naman na tutulong sa family etc, tanggap ko yun kasi mga kapatid ko yun eh. Call center agent ako na my 2 regular job inshort halos 16 hrs a day ako naduty plus online selling minsan.
“Earning 6 digits pero laging kapos at need mangutang, bakit? kasi yung fiance ko 16k a month earner at baon sa utang.
“Tinaggap ko yung proposal niya kasi kampante ako sa kanya sa lahat nang naging partner ko siya lang yung nakakatulog ako nang maayos dahil alam kong di ako lolokohin,” simulang pagbabahagi ni Ate Gurl.
Patuloy niya, “This year nag live-in na kami, usapan maghahati sa lahat ng expenses. Pero ang nangyayari ako nagbabayad lahat nang utilities minsan pati yung tinitirhan namin ako nagbabayad.
“Pinipilit ko siyang rumaket mag part-time ganon, pero walang sipag sa buhay laging nakaantay sa sahod ko.
“Di ko maiwasan na masumbatan siya kasi nakakapagod naman talaga. Pero sobra sobra na yung sakit kasi laging ako na lang, siguro manlilibre siya pag nananalo sa sugal.
“Ilang beses ko nang sinabihan na tumigil na dahil walang patutunguhan. Tapos pag nasusumbatan nagagalit.
“Take note nanunumbat din po siya at siya ang madalas nag poprovoke sakin para sumbatan ko rin siya. Hindi ko na po alam gagawin, sobrang bigat na nang puso ko,” ang buong laman ng liham ng anonymous letter sender.
Maraming nag-react sa sitwasyon ng babaeng netizen, narito ang ilan sa mga nabasa namin.
“Biiiih aminin mo, alam mo naman talaga ang dapat mong gawin. Iniignore mo lang yong winawagayway na sa harap mong redflag. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi. Pagnatali ka pa jan imbes na guminhawa ang buhay mo, lalo pa yang magkanda-lecheflan dahil sa lifestyle ng jowa mo. Yon lang. Goodluck.”
“Sa ngayon nakakatulog ka pa pero pag kasal na kayo at ikaw na sshoulder ng utang nya di ka na rin makakatulog. Sya na yung makakatulog ngayon. Konting sipag pa sender mababayaran mo din lahat ng utang nya. pakasalan mo na baka mapunta pa sa iba atleast ikaw 6digit earner mas afford mo.”
“Maging wais sa pagpili ng mapapangasawa kahit mahirap lang basta hindi pabigat kaya ninyong umangat ,wag puro kilig, ang isipin mo ang magiging future ng magiging anak nyo kung ngayon palang tingin mo mabigat na bagahe na sya bitawan para gumaan ang buhay mo!”
“Mag isip-isip ka sender kung ganyan na partner ang gusto mo makasama for the rest of your life. There’s no such thing as 50-50. Wag kukuha ng batugan na partner at walang disposisyon sa buhay.”
“Take note wla pa kau anak gnyan na haha mas lalala pa Yan pag my anak n kau. Bka s isip mo lng comfortable ka pero in real situations nio strees kna. Mas ok Kung stop kna muna s knya mag isip isip kna habang wla pa kau anak. Hanap Ka Ng matured at responsible.”
“Yikes, kung mahilig magscatter.. no sender mahirap hikayatin na tumigil ang addict sa sugal, pati ikaw sender hahatakin nian pababa. Let go, save yourself and your finances.”
“Tinatanong pa ba yan? Wag na.ituloy ang kasal unless gusto mo ma stress habang buhay. Mahirap at magastos mg pa annulment.”
“Kung patanga tanga ka mag stay ka dyan, pero kung papaganahin mo ang utak mo kesa dyan sa puso mo iwan mo na. Malaki ka na alam mo na tama at mali.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.