Vivamax star Zsara Laxamana: Mahirap maghubad sa pelikula!

Vivamax star Zsara Laxamana: Mahirap maghubad sa harap ng camera!

Ervin Santiago - October 24, 2024 - 12:30 AM

Vivamax star Zsara Laxamana: Mahirap maghubad sa harap ng camera!

Karl Aquino at Zsara Laxamana

PINATUNAYAN ng Vivamax star na si Zsara Laxamana na hindi madali ang ginagawa nilang paghuhubad at pag-arte sa harap ng mga camera.

Iyan ang inamin ng sexy star nang makachikahan namin sa presscon ng bago niyang Vivamax Original Movie na “Krista” kasama sina Cess Garcia, JD Aguas, at Karl Aquino.

Dahil sugal ang tema at kuwento ng “Krista” (tawag sa babaeng kristo sa sabungan), natanong si Zsara kung ano ang pinakamalaking sugal na ginawa niya sa totoong buhay.

“Hindi po ako nagsusugal in terms of games, pero sa buhay, handa akong sumugal,” sabi ng Vivamax sex siren.

Baka Bet Mo: Buboy Villar may chance nga bang ma-inlove sa kaparehang si Bella Thompson?

Napa-throwback din ang dalaga sa mga unang buwan nang pagsabak niya sa pagpapaseksi sa mga pelikula ng Vivamax.

“Ayoko namang magsinungaling, hindi po madaling maghubad sa harap ng kamera at sa harap ng maraming tao. It’s a risk for us, sa mga VivaMax artists na nandito and hindi ko naman siya pinagsisihan,” esplika niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VMX Philippines (@vmxphilippines)


Feeling naman ni Zsara, worth it ang pagpasok niya sa VMX at ang pagsugal niya sa paghuhubad. Magandang stepping stone raw ito para mabigyan ng magagandang opportunities sa showbiz.

“At least, nag-risk ako. Someday, I know na magiging fruitful naman siya,” aniya pa.

Samantala, ang “Krista” ay pelikula ni Sid T. Pascua na pagbibidahan nina Cess Garcia, Zsara Laxamana, Karl Aquino, at JD Aguas at tungkol sa mag-asawang sina Krista (Cess Garcia) at Makoy (Karl Aquino) na labis-labis ang pagmamahal sa isa’t isa at laging nandyan para magbigayng suporta at humarap sa problema nang magkasama.

Pagdating naman sa kanilang mga pangarap, gusto lang ni Krista ng simple at payak na buhay, si Makoy naman ay mataas ang ambisyon at gustong yumaman at magkaroon ng mas komportableng buhay.

Nagtatrarabaho si Makoy sa isang sabungan na pagmamay-ari ng tuso at mapagmalupit na si Samuel (Elmo Elarmo), sa sabungan din nagtitinda si Krista ng mangilan-ngilan na meryenda at inumin.

Hindi sapat ang kinikita ni Makoy sa sabungan para matustusan ang kanilang mga pangangailangan, at hindi rin siya nilalapit nito sa kaniyang mga pangarap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VMX Philippines (@vmxphilippines)


Dahil desperado na sa pag-asenso, magtatangka si Makoy na magnakaw sa sabungan ni Samuel pero mahuhuli at isusumbong siya ng katrabaho niyang si Diego (JD Aguas).

Dahil marahas si Samuel, plano niyang parusahan at pahirapan si Makoy sa binalak nitong pagnanakaw, pero pipigilan ito ni Krista at hihingi ng ibang kondisyon kay Samuel para lamang hindi masaktan ang asawa.

Hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Krista para sa pagmamahal niya kay Makoy? Ano ang iaalok niya kay Samuel?  At tanggapin kaya ito ni Samuel?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang upcoming film na ito ay isinulat ni Quinn Carillo at mapapanood na sa streaming platform na VMX this coming October 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending