Duterte pumatol sa babae; minura si N. Cotabato Gov. Mendoza | Bandera

Duterte pumatol sa babae; minura si N. Cotabato Gov. Mendoza

- April 07, 2016 - 03:30 PM

Rodrigo-duterte
KAHIT babae ay hindi nakaligtas sa pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos niyang murahin si North Cotobato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza kaugnay ng pahayag ng gubernador sa mga politiko na hindi dapat gamitin ang marahas na insidente sa Kidapawan.

“May gusto akong sabihin kay Lala (Mendoza). T***** mo, wala akong pakialam diyan, l**** ka,” sabi ni Duterte.

Maging si Pope Francis ay hindi nakaligtas sa pagmumura ni Duterte, matapos niyang sisihin sa pagkakatrapik niya sa pagdalaw ng Papa noong Enero 2015.

“Huwag mo ngang sabihing epal-epal ako. Kayo ang epal diyan, Liberal. Never, never ako nag-epal epal sa buhay ko,” giit ni Duterte.

Tumatakbo si Duterte bilang susunod na pangulo ng bansa at kapwa sila taga-Mindanao ni Mendoza.

Inaprubahan ng Davao City Council ang paglalabas ng P31.5 milyon para makabili ng 15,000 sako ng bigas para sa North Cotabato matapos naman ang utos ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending