Bashers kina Kean at Chynna: Ang aarte n'yo, mga pabebe! | Bandera

Bashers kina Kean at Chynna: Ang aarte n’yo, mga pabebe!

Alex Brosas |April 07,2016
facebook
share this

Bashers kina Kean at Chynna: Ang aarte n’yo, mga pabebe!

Alex Brosas - April 07, 2016 - 02:00 AM

kean cipriano

After weeks of speculations ay umamin na rin si Kean Cipriano na buntis ang dyowa niyang si Chynna Ortaleza. Nangyari ang pag-amin niya when he was interviewed sa premiere night ng kanyang movie.

Batikos na kaliwa’t kanan ang inabot ni Kean sa kanyang pag-amin. Hindi pa kasi niya sinabi ang totoo when he was interviewed before. He was asked kung buntis na ang asawa niya pero hindi siya umamin kahit halata na ang laki ng tiyan ni Chynna.

“Ngayon lang aamin after weeks of speculation? Tapos no further details pa? Big deal, teh? Superstars kayo? Arte ah,” said one guy. “Ahh yun nman pla gagamitin sa promo ng movie nya…who cares….?” say ng isa pa.

“Ang nakakaasar kasi is yung pabebe nilang pag-amin. E kung inamin na simula’t sapul hindi kami maaartehan sa kanila. Sa tingin niyo mababash sila pag inamin nila noon pa?” explanation ng isang fan kung bakit marami ang imbiyerna kay Kean.

“Ano ba yan? Nung hindi inannounce pero halata na, ang daming nagrereklamo kung bakit di pa confirmed. Tapos nung kinonfirm, may mga nagrereklamo pa rin? Ang gugulo niyo,” depensa naman ng isang fan ni Kean.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending