Baeby Baste unang nakilala sa KMJS bago sumikat sa Eat Bulaga
Ilang araw bago tayo magpaalam sa 2015, babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang mga natatanging kuwentong tumatak sa mga manunuod ngayong taon.
Isa sa mga inaantabayanan sa KMJS ang mga one-on-one interview ni Jessica sa mga prominenteng personalidad. Nitong Abril, pinag-usapan ang panayam ng KMJS kay Willie Revillame ilang linggo bago magbalik-telebisyon ang huli.
Dito ibinahagi ng TV host at komedyante ang kwento ng kanyang buhay, kasama na ang mga tagumpay, pagkadapa at muli nitong pagbangon. Ipinakita rin ni Willie kay Jessica ang napakabongga niyang rest house sa Tagaytay.
Napatunayan ngang ang mga kwentong KMJS ay laging “level up”. Isa sa kuwentong pumatok ay ang ang buwis-buhay na pag-indak ng mga linemen sa Bukidnon, na nagtu-Twerk it like Miley pa habang nasa tuktok ng poste.
Kilala rin ang KMJS sa mga senti segments nito. Winner sa mga manunuod ang throwback story noong Marso kung saan muling binalikan ang iba’t-ibang pagkain ng ating kabataan tulad ng Lala, Sergs chocolate, ice buko at Mikmik.
Nalaman din ang pinagmulan ng mga produktong tinangkilik ng mga Pilipino tulad ng Spartan na tsinelas, Good Morning towel, at Liwayway Gawgaw. Sa pag-unlad ng social media sa mga nakalipas na taon, isa ang KMJS sa mga una at patuloy na nagtatampok ng mga istoryang viral at trending online.
Matatandaang sa KMJS unang tinampok si Baeby Baste bago pa man ito naging Dabarkads ng Eat Bulaga. In fairness, kilalang-kilala na rin ngayon ang bagets at lumelebel na rin sa kasikatan ng Pambansang Bae na si Alden Richards.
At isa rin sa pinaka-riot na segment sa taong ito ang pagtagpuin ng KMJS ang dalawang pinagla-loveteam sa social media na sina Norbong at Lourin.
“Ika nga nila, basta may bago at may matututunan, “i-KMJS na ‘yan!” Kaya maski ilan pang matatarik na bundok, inakyat ng KMJS team upang makumpirma at matunton ang isang hagdan-hagdang palayan sa Visayas na matagal na naikubli sa sibilisasyon—ang Antique Rice Terraces.
At ano nga ba ang 2015 kung wala ang AlDub? Babalikan ng KMJS ang magpahanggang ngayo’y pinag-uusapan pa ring panayam ni Jessica kina Alden at Maine Mendoza na itinuturing nga-yon ng AlDub Nation na “the best interview so far” sa Philippines’ hottest loveteam.
Kaya huwag palagpasin ang “#KMJS2015, The Best of Kapuso Mo, Jessica Soho” ngayong Linggo, Disyembre 27, pagkatapos ng Ismol Family, sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.