John Lloyd may mensahe sa mga basher na nangnenega sa part 2 ng ‘One More Chance’ | Bandera

John Lloyd may mensahe sa mga basher na nangnenega sa part 2 ng ‘One More Chance’

Ervin Santiago - November 11, 2015 - 03:00 AM

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN LLOYD CRUZ

SINAGOT ni John Lloyd Cruz ang mga komento mula sa ilang bashers nila ni Bea Alonzo tungkol sa magiging part 2 ng blockbuster movie nila noong “One More Chance”.

Malapit nang ipalabas ang “A Second Chance” ng Star Cinema pero may mga nagsasabi na sana’y hindi na pumayag sina sina Bea at Lloydie na gawin ang sequel nito dahil baka ma-di-sappoint lang ang mga manonood at hindi nila maabot ang mataas na expectation sa pelikula.

Sa special celebrity screening ng 2015 MMFF entry ni John Lloyd na “Honor Thy Father” na ginanap sa opening ng 2015 Cinema One Originals Film Festival sa Trinoma cinema 7 kamakailan ay natanong ang aktor kung ano ang reaksiyon sa mga nangnenega sa “A Second Chance”.

Ayon kay Lloydie, naniniwala siya na kailangang magkaroon ng sequel ang movie nila ni Bea, “Yeah, kasi siyempre after eight years, kina Popoy at Basha ano ba ang nagbago? Ano ba ang nangyari sa kanila?”

Hirit pa niya, “Kung excited kayong makita, kami rin excited rin kaming maipakita sa inyo. Kagaya nito, dapat sa panahong ngayon ang audience dapat laging nae-excite. Dapat di sila ma-bore sa binibigay nila kaya excited ako sa mga mangyayari sa last quarter ng taon and early next year.”

Paano kung hindi nito malagpasan o mapantayan man lang ang tagumpay sa takilya ng “One More Chance”? “Well, di ko alam kasi ako di ko naman call ‘yun, di ko rin naman choice na ituloy ito, ang tanong ko lang naman ano ba ang istorya ng kuwento natin? Naniniwala kaming lahat, the creators, our writers, our director, our producers, it’s a story worth telling.”

Sa pagkakaalam daw ni JLC, mas marami pa rin ang nag-aabang sa pagpapatuloy ng kuwento nina Popoy at Basha matapos nga silang magkabalikan sa ending ng movie na ipinalabas sa mga sinehan noon 2007.

“Yung mga naghahanap, na-stop na tayo sa ‘One More Chance’, lahat tayo nagtataka, nag-iisip kung ano na ba ang nangyari sa kanila? Tingin ko na magandang pagkakataon na ikuwento kung ano ba ang naging buhay nila,” chika pa ng Kapamilya leading man.

I agree! Kailangang malaman ng buong mundo kung ano na ang nangyari kina Popoy at Basha! Wala nang kokontra!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending