Kris babu na sa A&A, Boy handang-handa nang magsolo | Bandera

Kris babu na sa A&A, Boy handang-handa nang magsolo

Reggee Bonoan |September 23,2015
facebook
share this

Kris babu na sa A&A, Boy handang-handa nang magsolo

Reggee Bonoan - September 23, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Walang maisagot ang King of Talk na si Boy Abunda kung totoong hindi na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang leading man ni Kris Aquino sa “Mr. & Mrs. Split” na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival ngayong December.

Marami kasi ang nagsulat na si Derek Ramsay na raw ang partner ng Queen of All Media. Kaya tinanong namin ang co-host ni Kris sa Aquino And Abunda Tonight noong Lunes ng gabi, “Actually, bukas ng hatinggabi (kagabi) pa namin malalaman and I will let you know.”

Ang head ng publicity ng Star Cinema na si Mico del Rosario ang tinanong namin pero hindi niya kami sinagot. Diin ulit ni kuya Boy na wala pang final decision dahil ang mee-ting ay kagabi lang nangyari at advance naman ang deadline namin dito sa Bandera kaya hindi na namin nahabol, “Wala pa akong masasabi sa inyo kung ano ang final say, kasi hindi ko pa rin alam, so let’s just wait na lang,” kaswal na sabi ni kuya Boy.

Simula sa Lunes, Set. 28 ay magiging Tonight With Boy Abunda na ang titulo ng dating A&A dahil mawawala na nga si Kris sa late night show ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending