MOVIE REVIEW: 'The Love Affair' asahang hahakot ng award | Bandera

MOVIE REVIEW: ‘The Love Affair’ asahang hahakot ng award

- August 13, 2015 - 07:16 PM

bea alonzo

PURING-PURI ang acting ni Bea Alonzo sa The Love Affair na pinagbibidahan din nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Natural-na-natural ang pag-arte ni Bea na ginagampanan ang papel na Andi, na nakatakda na sanang ikasal, ngunit nambabae ang kanyang boyfriend na ginagampanan naman ni Tom Rodriguez.
Puro hugot lines ang pinakawalan ni Bea sa pelikula, at tiyak maraming manonood nito ang makaka-relate sa kanyang sitwasyon.

Hindi rin naman pahuhuli sa kaledad na acting sina Dawn at Richard na gumaganap bilang Trishia at Vince, na mag-asawa ang papel sa pelikula.

Patok-na-patok pa rin ang love team nina Dawn at Richard na hindi pa rin naglalaho ang magandang chemistry sa silver screen.

Sa naturang pelikula nagloko si Trishia matapos naman magkaroon ng relasyon sa bestfriend mismo ni Vince na ginagampanan naman ni TonTon Gutierrez.

Dahil sa pangangaliwa ni Trishia, tinangka ni Vince na makipaghiwalay sa asawa. Dito naman nakilala ni Vince si Andi matapos naman silang pagtagpuin ng tadhana.

Tiyak na maiiyak ang mga manonood lalo na ang mga nakakarelate sa sitwasyon ni Andi.

Pagpapahalaga sa pamilya ang tema ng pelikula, isang magandang aral na maibibigay sa lahat ng makakapanood nito.

Sa bandang huli kasi, pinili ni Andi na palayain si Vince para isalba ang pagsasama nila ni Trishia.

Isa pang aral na binibigyang-diin dito ay ang pagpapahalaga sa sarili — ang pag-iisa hindi dapat magdulot ng kalungkutan sa isang tao. Binigyan diin din ng pelikula ang pagprotekta sa pamilya.

Kung tama ang aking pagtaya, dapat na humakot ng parangal ang pelikula lalu na ang akting ni Bea na talaga namang napakanatural ang pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging ang mga lalaki ay halatang nag-enjoy sa kanilang panonood ng pelikula. Kapansin-pansin din na maging ang mga senior citizen ay nanood ng pelikula. Nagpapakita lamang na marami pa ring hatak ang tambalak Richar-Dawn.
Siyempre hindi rin papahuli ang mga mag-asawang magkasamang nanood ng pelikula na tila inspirasyon sa kanila ang “The Love Affair.”

Sa iskor mula isa hanggang 10 kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang pelikula ng 9 na puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending