Ex-young actress, Showtime host sumisikat sa ‘Chicken Pork Adobo’ | Bandera

Ex-young actress, Showtime host sumisikat sa ‘Chicken Pork Adobo’

Reggee Bonoan - July 17, 2015 - 03:00 AM

MELISSA RICKS AT ERUPTION TAI

MELISSA RICKS ATERIC  “ERUPTION” TAI

INILUNSAD ng ABS-CBN ang isang multi-channel network na “Chicken Pork Adobo” para pagsama-samahin ang iba’t ibang personalidad na may kakaiba, nakakaaliw, at orihinal na materyal na tatangkilikin ng dumadaming mga Pilipinong nanonood ng videos online.

“Ang ‘Chicken Pork Adobo’ ang channel kung saan pwedeng sumikat at bumida ang iba’t ibang creators na maaaring walang pagkataong lumabas sa TV. Sasanayin ng ‘Chicken Pork Adobo’ ang creators na ito upang matulungan silang gumawa at mag-produce ng mga materyal at videos na mapapanood online.

Gusto naming ipakita ang talento ng Pinoy hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” pahayag ni Donald Lim, ang head ng ABS-CBN Digital Media Division.

Sa ngayon, mayroon nang 90 creators ang “Chicken Pork Adobo” na may kanya-kanyang YouTube channels na sakop ang iba’t ibang tema o paksa: toys, fashion, comedy, music, lifestyle, vlogs, entertainment, arts and crafts, food, parenting, at inspirational.

Parami na nga nang parami ang mga Pinoy na gumagamit ng internet, ayon sa mid-year 2014 data mula sa Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), Anito, 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng Internet, at halos 67% sa kanila ay wala pang 30 anyos.

Ayon kay Lim, maaaring hindi lang TV ang paraan para maabot ng ABS-CBN ang mga manonood nito.

Aniya, layunin ng “Chicken Pork Adobo” na tulungan ang creators na gumawa ng marka sa Internet at tulungan silang maging superstars sa kahit anumang paraan.

“May iba-iba silang mga manonood, personalidad, at materyal na hindi mailalabas sa TV, pero sa Youtube madami silang fans, sikat sila, nakakabilib, nakakaaliw,” sabi pa nito.

Isa sa creators ng Chicken Pork Adobo ay ang aktres na si Melissa Ricks, na kamakailan ay nagbukas ng kanyang sariling YouTube channel para ibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagiging ina.

Kabilang din sa multi-channel network ang It’s Showtime host na si Eric “Eruption” Tai na nagpapakitang-gilas sa pagsasayaw sa pamamagitan ng kanyang in-upload na videos.

Ngunit hindi lang celebrities ang bahagi ng “Chicken Pork Adobo,” dahil kasama rin dito ang YouTubers na mayroon nang sariling fans online o kilala sa kanilang nakakaaliw na videos.

Sa ngayon, Kids’ Toys ang may pinakamaraming subscribers at views sa lahat ng channels sa ilalim ng “Chicken Pork Adobo.” Bida rito ang magkapatid na Faye at Laurice Tendilla na nagbubukas ng mga bagong laruan sa kanilang videos. Inilunsad ito noong May 2012 at sa ngayon ay mayroon na silang 1.14 milyong subscribers at halos 1.5 billion na views.

Bahagi rin ng “Chicken Pork Adobo’s” ang creators na sina Lloyd Cadena, isang sikat na YouTuber na naging popular dahil sa kanyang nakakatawang videos tungkol sa pag-ibig, eskwela, at parody videos;

“The Soshal Network,” na pinagbibidahan ng tatlong abogadong may nakakaaliw na komentaryo; at ang “Plump Pinay” ni Cai Cortez na tinataguyod ang pagiging komportable sa sariling katawan.

Ayon naman sa head of ABS-CBN Digital Media Services na si Dennis Lim, naghahanap ang “Chicken Pork Adobo” ng creators na may orihinal, nakakaaliw, o kakaibang materyal na maaaring ibahagi online.

“Ang batayan lang namin sa paghahanap ng creators ay kailangang passionate sila. Mahalaga sa aming passionate sila dahil mahirap maglabas ng bagong content. Dapat gusto nila ang ginagawa nila,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga interesadong sumali sa “Chicken Pork Adobo” ay maaaring mag-email sa [email protected]. Para sa updates, bisitahin ang “Chicken Pork Adobo Network” sa Facebook at chickenporkadobo.net.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending