GUGULATIN na lang daw ni Kisses Delavin ang madlang pipol sakaling magdesisyon na siyang sumali sa beauty pageant.
Sa isang panayam sinabi ng dating PBB housemate na nais niyang mag-training bilang paghahanda sa kanyang pagrampa.
“Siguro kung ano ‘yung kinatatakutan ko, ‘yun ‘yung sasalihan ko which is secret pa para walang spoiler. Gusto ko lang na spontaneous lahat kung biglang maisipan ko.
“Halimbawa ‘yung pageant sa Bicol (Miss Kaogma), na-decide ko mga next week na ‘yung screening and biglang sali na ako. I’m more of the spontaneous type. I’ll take my time,” pahayag pa ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ni Kisses, “Siguro sa training ‘yung mga Q&A kasi ‘di ba kailangan mag-catch up sa mga issues of today, not just issues in show business.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.