Mega, Ate Vi pararangalan sa History Maker Award 2018

By Jun Nardo July 27,2018
share this

Mega, Ate Vi pararangalan sa History Maker Award 2018

By Jun Nardo July 27,2018
share this

SHARON CUNETA AT VILMA SANTOS

KABILANG si Cong. Vilma Santos-Recto sa mga gagawaran ng The History Maker Award for 2018 na magiging bahagi ng History Cone 2018, Manila’s biggest entertainment convention.

Ipinost ni Cong. Vi ang invitation letter sa kanyang Facebook account na Vilma Santos – The Star For All Seasons na ibinahagi naman sa FB account ng presidente ng Vilma Santos International na si Jojo Lim.

Ayon sa sulat ang History ay leading international factual entertainment brand ng A + E Networks, Asia, “HISTORY MAKERS are a special few whose talent, efforts, dedication and sacrifices illuminate and inspire the lives of many others.”

Kamakailan lang, binigyan din ng invitation si Sharon Cuneta para sa nasabing parangal.

Para rin ito sa kanyang credentials at achievements sa showbiz at makakasama nila ni Ate Vi ang iba pang Filipinos mula sa iba pang fields of expertise.

Gaganapin ang History Con 2018 sa Aug. 11, 2018 sa World Trade Center at ang pamamahagi ng History Maker 2018 ang isa sa highlights ng event.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending