Bulkang Bulusan nagbuga ng abo | Bandera

Bulkang Bulusan nagbuga ng abo

Leifbilly Begas - June 06, 2017 - 03:18 PM
Nagbuga ng abo ang bulkang Bulusan kamakalawa ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.     Ang minor phreatic eruption ay nangyari alas-10:29 ng gabi. Tumagal ito ng 12 minuto at ang abo, sulfuric odor at tunog nito ay naramdaman sa Brgy. Monbon at Cogon sa bayan ng Irosin, Sorsogon.     Nakaabot din ang sulfuric odor sa Brgy. Bolos, Irosin.     “The eruption could not be observed visually due to thick clouds covering the summit,” ayon sa Phivolcs. “Weak to moderate emission of white steam plumes that rose up to 50 meters before drifting northeast was observed coming from the active vents.”       Sa nakaraang 24 na oras, hanggang kahapon ng umaga, nakapagtala ang Phivolcs ng tatlong volcanic earthquake.     Nananatili ang Alert Level 1 sa Bulusan na nangangahulugan na mayroong hydrothermal processes na lilikha ng steam driven o phreatic eruption. Ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone.     Pinaalalahanan din ang Civil aviation authority na payuhan ang mga piloto na lumayo sa bukana ng bulkan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending