NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ng national dengue alert sa harap naman ng nakakaalarmang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa maraming rehiyon. Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na mula Enero 1 hanggang Hunyo 29, 2019, nakapagtala na ng kabuuang 106,630 kaso ng dengue sa buong bansa, 85 porsiyento na mas mataas […]
PINANGALANAN ng Manila Police District (MPD) ang limang katao na umano’y sangkot sa panghoholdap sa sangay ng Metrobank sa Binondo noong isang linggo. Isinapubliko ni MPD chief Brig. Gen. Vicente Danao ang mga litrato ng mga suspek sa isang press conference sa Manila City Hall ngayong araw. Idinagdag ni Danao na positibong itinuro ng mga […]
NAHARANG ng Bureau of Immigration ang 13 Pinoy na peke ang boarding pass sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong isang linggo. Ayon kay BI Port Ope-rations Division Chief Grifton Medina, kabilang sa mga hindi pinayagang makasakay ay pitong lalaki at anim na babae na papunta ng Hong Kong at sasakay sa Cathay Pacific. […]
SINABI ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na inaalam na ng mga imbestigador kung posibleng kasuhan ng obstruction of justice ang pamunuan ng Metrobank matapos namang hindi agad papasukin ang mga pulis sa niloobang sangay nito sa Binondo. “When something happens in a place, that is considered a crime scene. Kailangan makapasok […]
NAG-ALOK si Manila Mayor Isko Moreno ng P1 milyong pabuya para mahuli ang nasa likod ng panloloob sa isang bangko sa Maynila. “I am now offering P1 million for the arrest of these at least 7 suspects na kinuha yung CCTV ng bangko,” sabi ni Moreno. Ito’y matapos looban ang Metrobank branch sa Binondo ng […]
SINABI ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde na iniimbestigahan na ang ulat na umabot na sa 15 mayayamang opisyal ngBureau of Internal Revenue (BIR) ang biktima ng kidnapping simula pa noong 2013. Idinagdag ni Albayalde na nakarating na kay Pangulong Duterte ang ulat at ipinag-utos ang pagsisiyasat nito. “That is being looked into. […]
IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtatanggal ng mga pangalan ng lahat ng pulitiko sa mga paaralan ng lungsod. “Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga pulitiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan,” sabi ni Moreno sa isang press conference matapos makipagpulong sa Manila School […]
SINIBAK ang isang pulis na nakatalaga sa Marikina City matapos na bugbugin ang isang walong-anyos na batang lalaki sa Pasig City, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Sinabi ni Eleazar na tinanggal niya sa puwesto si Police Staff Sgt. Nicolas Lapie Jr. matapos maaktuhang sinasaktan ang isang bata, […]
NAIS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipa-deport at i-ban sa bansa ang Chinese na nahuling umiihi sa Binondo, Sabado ng gabi. Sinabi ni Moreno na personal niyang hihilingin sa Bureau of Immigration na mapa-deport ang Tsino. Base sa ulat, sinaktan pa ng Chinese si Barangay 281 chairman Jeff Lau nang sitahin nito. […]
IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang pagsibak sa pulis na sangkot sa viral video kung saan binantaan niyang aarestuhin ang isang lalaki dahil umano sa hindi pagrespeto sa kanya. Sinabi ni Albayalde na nangyari ang insidente Sabado ng gabi sa San Juan City. “Para po sa inyong kaalaman ipinatanggal ko na […]
TARGET ng bagong lokal na pamahalaan ng Maynila na dagdagan ang mga pulis sa university belt area matapos ang sunod-sunod na insi-dente ng krimen. Sinabi ni Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office na maraming mga estudyante ang nagpaabot ng pagkabahala sa mga kaso ng panghoholdap sa lugar. Idinagdag ni Leonen na makikipag-ugnayan ang […]