Pangalan ng mga pulitiko tanggalin sa mga paaralan sa Maynila- Isko
IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtatanggal ng mga pangalan ng lahat ng pulitiko sa mga paaralan ng lungsod.
“Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga pulitiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan,” sabi ni Moreno sa isang press conference matapos makipagpulong sa Manila School Board.
Idinagdag ni Moreno na nais niya na agad na maipatupad ito sa lahat ng pampublikong paaralan.
“Lahat ng mga naglalagay na pulitiko ng kanilang mga pangalan as if you are immortalizing yourself or as if it is your money, that is not your money. Pera yan ng taumbayan,” dagdag ni Moreno.
Sinabi pa ni Moreno na papayagan naman ang mga pagbati sa graduation bastat nasa labas ng mga eskwelahan.
“Huwag natin pulitikahin ang ating mga paaralan. Let’s leave politics to politicians, and our educational institutions to academicians,” ayon pa kay Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.