Sofia Pablo, Allen Ansay may magic tulad ng MarJo loveteam

Sofia Pablo, Allen Ansay may kakaibang magic tulad ng MarJo loveteam

Ervin Santiago - January 13, 2025 - 06:00 AM

Sofia Pablo, Allen Ansay may kakaibang magic tulad ng MarJo loveteam

Sofia Pablo, Allen Ansay, Jolina Magdangal at Marvin Agustin

NAKIKITA ng batikang direktor na si Jerry Sineneng ang iconic loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Kapuso stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

In fairness, talaga namang hindi maitatanggi ang kasikatan ng tambalang Marvin at Jolina noong dekada 90 na bumida sa napakaraming Star Cinema movies at ilang TV series.

Si Direk Jerry ang naging direktor ng mga blockbuster films nilang “Flames The Movie” (1997), “Labs Kita…Okey Ka Lang?” (1998), “I Love You If That’s Okay” (1998), at “Kung Ayaw Mo, Wag Mo” (1998).

At ngayon nga ay ang Gen Z loveteam naman ng Kapuso Network na sina Sofia at Allen o ang AlFia ang idinidirek ni Direk Jerry sa seryeng “Prinsesa ng City Jail.”

Baka Bet Mo: Sofia Pablo kinarir ang pagiging ‘chef’ sa ‘Luv Is’: ‘Hindi ako marunong magluto kahit hotdog, kasi takot ako sa oil!’

Natanong si Direk Jerry sa grand presscon ng naturang teleserye kung  nakikitaan din ba niya ng promise ang AlFia tandem tulad ng sa loveteam noon nina Jolina at Marvin.

Agad namang nag-yes ang direktor at sinabing parang si Jolens ang pagkakikay ni Sofia sa harap at likod ng camera habang nakikita niya kay Allen ang pagiging pursigido ni Marvin noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


“Tapos, ‘yung chemistry, parang Marvin-Jolina din. Tapos match na match ‘yung kanilang talento and ‘yong support system. If it’s her (Sofia’s) scene, he’ll give it to her; if it’s his (Allen’s) scene, she’ll give it to him,” pahayah ni Direk Jerry about the promising Kapuso loveteam.

Pinuri rin ng direktor ang akting ng AlFia sa “Prinsesa ng City Jail” dahil kering-keri raw nila ang magdrama at magpakilig. Marunong din daw ang dalawa na magbigayan sa kanilang mga eksena.

“Magagaling ang dalawang batang ito. Workshop pa lang namin, na-gauge ko na kung ano ang strength ng isa’t isa,” aniya pa.

Iikot ang kuwento ng “Prinsesa ng City Jail” sa batang babaeng (Sofia) ipinanganak sa loob ng kulungan na nawalay sa kanyang nanay kaya naman ang jail warden (Keempee de Leon) sa bilangguan ang nagpalaki sa kanya.

Ka-join din sa cast ng “Prinsesa ng City Jail” sina Will Ashley, Radson Flores, Pauline Mendoza, Lauren King, Jean Saburit, Ayen Munji-Laurel, Beauty Gonzalez, Ina Feleo, Denise Laurel at Dominic Ochoa.

Magsisimula na ito ngayong Lunes, January 13 sa Kapuso Afternoon Prime.

Nauna rito, inamin ni Allen na totoong nililigawan niya si Sofia matapos sabihing ang dalaga ang itinuturing niyang prinsesa ng buhay niya ngayon.

“Parang hindi na po kailangang tanungin ‘yon. Siyempre po, 100%, siya lang talaga,” aniya pa.

Sundot na tanong kay Allen, kung “in a relationship” na ba sila ni Sofia, “Hindi pa po, pero alam niyang gusto ko siya!”

Reaksyon naman ni Sofia sa mga naging pahayag ni Allen kasabay ng hiyawan ng kanilang co-stars sa “Prinsesa ng City Jail”, “Ha-hahaha! Bakit ang daming nagri-react?

“Pero siyempre po, nakakakilig! Alam niyo po yung ang sarap sa puso na…wow! Ha-hahaha! Easy lang. Ha-hahaha! Putok na putok ang kilig ko ngayon.

“Pero siyempre, masaya at ang sarap sa pakiramdam sa puso na may taong nandiyan para makinig sa sa iyo, para suportahan ka. Na kapag napapagod ka, nandiyan siya para iabot ang watter ko, pakainin ako.

“Minsan kasi pasaway ako, na kapag tuloy-tuloy ang work, hindi ako kumakain, at nagagalit siya sa akin. Thankful ako na sobrang genuine ang care niya, pati kay mommy,” ang pag-amin pa ni Sofia.

Pero hanggang kailan daw ba niya paghihintayin si Allen sa pagbibigay ng matamis niyang “oo”? “Depende po sa parents ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Allen, “Ako po, willing talaga (maghintay). Anytime na sabihin sa akin na puwede na, willing po ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending