Sofia Pablo kinarir ang pagiging 'chef' sa 'Luv Is': 'Hindi ako marunong magluto kahit hotdog, kasi takot ako sa oil!' | Bandera

Sofia Pablo kinarir ang pagiging ‘chef’ sa ‘Luv Is’: ‘Hindi ako marunong magluto kahit hotdog, kasi takot ako sa oil!’

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Sofia Pablo kinarir ang pagiging ‘chef’ sa ‘Luv Is’: ‘Hindi ako marunong magluto kahit hotdog, kasi takot ako sa oil!’

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 07:01 AM

Sofia Pablo kinarir ang pagluluto sa 'Luv Is': 'Hindi ako marunong magluto ni-hotdog kasi takot ako sa oil!'

Allen Ansay at Sofia Pablo

NAGSIMULA na kagabi ang pinakabagong romcom series ng GMA 7 na “Luv Is: Caught In His Arms” na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

In fairness, talagang inabangan ng Kapuso viewers ang pilot episode nito sa GMA Telebabad lalo na ng mga tagasuporta ng promising loveteam nina Sofia at Allen.

Simula pa lang ng “Luv Is” ay nagpasabog na agad ng kilig ang Kapuso tandem kaya naman bitin na bitin ang mga manonood sa unang episode nito last night.

Sa panayam ng ilang members ng entertainment media, inamin nina Sofia at Allen na talagang nararamdaman nila ang matinding pressure lalo na’t ito ang kanilang first primetime series.

Kuwento ni Sofia, isa sa talagang kinarir niya para sa kanyang karakter as Florence Almero sa serye ay ang pagluluto.

“Ang pinaka-challenging talaga sa akin dito sa ‘Caught in His Arms’ ay ‘yung pagluluto dahil hindi ako marunong magluto ni-hotdog.

“Hindi ko kayang prituhin kasi takot ako sa oil so ‘yun ang unang sinabi ko, ‘Direk paano po ‘yun, hindi ako nakakapagluto takot ako sa mantika,’ tapos sabi nila, ‘Hala, paano ‘yun halos lahat ng pagkain e, may mantika, anong lulutuin mo?’

NAGSIMULA na kagabi ang pinakabagong romcom series ng GMA 7 na “Luv Is: Caught In His Arms” na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
“Sabi ko, ‘Sige, ilalaban natin.’ So eventually habang nagte-taping, nagulat po ako, kaya ko naman pala. So ‘yun yung isa sa mga natutunan ko dito sa ‘Luv is’ na madadala ko dahil kaya ko na magluto,” chika ng dalaga sa panayam ng GMA Network.

For his part, Allen as Nero Ferell, really took time to learn how to speak English (Wow! Ha-hahaha!) dahil mayaman at coño nga ang karakter niya sa kuwento.

“Sobra ko talaga siyang pinaghandaan kasi kahit ‘yung mga pronunciations sa English talagang nag-aral ako kasi may punto talaga ako sa pagsasalita.

“Kasi talagang pure Bicolano talaga ako almost magti-three years pa lang ako dito and doon talaga napasabak ako sa mga English. Tapos, nanood din ako ng mga YouTube videos kung paano kumilos ‘yung mayaman, paano ‘yung proper na gawa,” aniya pa.

“Napasabak din ako dito sa pagda-drive, pero hindi pa talaga ako nagda-drive, a,” sey pa niya.

Ka-join din nina Sofia at Allen sa series na ito ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria at Sean Lucas.

5 Kapuso matinee idol mag-aagawan kay Sofia Pablo; Alden, Julie Anne, Rayver, Christian may pasabog sa GMA 2023 Countdown

Kapuso matinee idol Allen Ansay inaming hindi magaling mag-English: ‘Sobrang nagulat ako kasi gaganap akong mayaman!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Star Magic binantaan ang bashers ng kanilang talents; OPM artists bibida sa PMPC benefit concert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending