5 Kapuso matinee idol mag-aagawan kay Sofia Pablo; Alden, Julie Anne, Rayver, Christian may pasabog sa GMA 2023 Countdown
ILANG tulog na lang, makikilala na ang limang heartthrobs na magpapakilig ngayong 2023 sa bagong primetime series na “LUV IS: Caught In His Arms.”
Ipinakilala na ng GMA Network sa isang teaser noong December 19 ang Ferell Brothers na sina Sean Lucas bilang Troy, Vince Maristela bilang Tristan, Raheel Bhyria bilang Aldus, Michael Sager bilang Owen, at Allen Ansay bilang Nero.
View this post on Instagram
Meron silang mahahalagang papel na gagampanan sa buhay ni Sofia Pablo bilang si Florence.
Kapansin-pansin ang kagwapuhan at appeal ng Ferell Brothers sa teaser kaya ang tanong ngayon ng Kapuso netizens, sino sa lima ang magwawagi sa puso ni Florence?
Hindi rin napigilan ng ilang fans ang kiligin sa upcoming serye na ito, “Nakaka-excite! Parang bumabalik tayo sa teen days natin.”
Abangan ang “LUV IS: Caught In His Arms” ngayong January 16, 2023 sa GMA Network.
* * *
Humanda nang makisaya kasama ang inyong paboritong Kapuso stars, P-Pop groups, at K-pop artists sa bonggang New Year Special na “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon!”
Pangungunahan ‘yan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Total Heartthrob Rayver Cruz, at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
Present din sa big event sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara, Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, Korean social media star Dasuri Choi, at Sparkle prime stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez.
May bonus pang song numbers mula sa Kapuso singers na sina Garrett Bolden, Jessica Villarubin, at Thea Astley.
View this post on Instagram
Magpapakilig naman ang cast ng “LUV IS: Caught In His Arms” na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, Vince Maristela, Sean Lucas, Tanya Ramos, at Cheska Fausto.
Sasamahan nila ang viewers sa isang watch party ng SBS Gayo Daejeon, ang biggest K-pop event of the year sa South Korea.
Magpe-perform sa Gayo Daejeon ang NCT 127, NCT DREAM, THE BOYZ, fromis_9, Stray Kids, (G)I-DLE, ATEEZ, ITZY, TOMORROW X TOGETHER, CRAVITY, aespa, ENHYPEN, IVE, NMIXX, TEMPEST, LE SSERAFIM, at NewJeans.
Hahataw din sa stage with their hit songs ang P-pop groups na Calista, 1st.ONE, at KAIA.
Salubungin ang Bagong Taon at mag-enjoy sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon this December 31, 10:30 p.m. sa GMA 7. Mapapanood din ang livestream ng programa sa YouTube channel ng GMA Network.
Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma
Payo ni Isko kay Joaquin, sundin ang ‘golden rule’ sa showbiz; JD bibida na rin sa pelikula
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.