P1M reward alok ni Isko matapos ang bank robbery sa Binondo
NAG-ALOK si Manila Mayor Isko Moreno ng P1 milyong pabuya para mahuli ang nasa likod ng panloloob sa isang bangko sa Maynila.
“I am now offering P1 million for the arrest of these at least 7 suspects na kinuha yung CCTV ng bangko,” sabi ni Moreno.
Ito’y matapos looban ang Metrobank branch sa Binondo ng hindi bababa sa pitong suspek alas-8:40 ng umaga kahapon.
“To those individuals na nanonood, lahat ng nanonood, sino man sa inyo ang nakakaalam, makakaalam, makapagbibigay ng impormasyon para masakote itong mga kriminal na pumunta sa Maynila, bibigyan po namin kayo ng pabuya na isang milyong piso,” dagdag ni Moreno.
Idinagdag ni Moreno na nagsasagawa na ang mga otoridad ng dragnet operation para mahuli ang mga susprk.
“We will pursue, hahanapin po namin kayo, hindi namin kayo bibigyan ng kapanatagan. Hindi namin kayo papayagan na guluhin, perwisyuhin ang mamamayan ng lungsod ng Maynila,” ayon pa kay Moreno.
“You cannot escape the long arm of the law, sabi nga ng kasabihan, and we will try to do that and go after him. Sa lahat ng enforcement units ng buong Pilipinas, nananawagan ako sa inyo, habulin niyo ito. Kunin nyo itong mga taong ito. Dalhin natin sila sa mata ng batas, papapanagutin natin sila,” sabi pa ni Moreno. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.