MAKAKATANGGAP ang mahigit 3,000 jeepney drivers sa Maynila ng tig-iisang sakong bigas at grocery items mula sa lokal na pamahalaan. Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), sa kasalukuyan ay nabigyan na ng ayuda ang 1,303 miyembro ng Pasang Masda, Fejodap at iba pa ang asosasyon. Iniabot ang ayuda ng Manila Traffic and Parking Bureau […]
LUMOBO ang bilang ng mga reklamo sa online transactions sa panahon ng enhanced community quarantine, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sa virtual hearing ng House committee on trade and industry kahapon, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mula Abril hanggang Mayo ay 8,059 ang bilang ng mga reklamo na kanilang natanggap. […]
MARAMI umanong rapid testing kits para sa coronavirus disease ang pinayagang ibenta ng Food and Drug Administration kahit hindi pa naba-validate ang kahusayan nito. Ayon kay AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ilan sa mga testing kits na ito ay hindi aprubado ng bansa kung saan ito ginawa. “Masyadong maraming inaprubahan kahit walang permit sa country of […]
NOONG nakaraang Sabado natanggap ng Office of the President ang enrolled bill ng Anti-Terrorist Bill ( Terror Bill). Ang enrolled bill ay yung final copy ng Terror Bill na inaprubahan ng Senado at Kamara na pirmardo ng Senate president at ng Speaker na nagpapatunay na ang nasabing panukalang ay naipasa na ng Kongreso. Tatlong bagay […]
DAPAT umanong pag-ibayuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang kampanya nito laban sa mga online seller ng mga pekeng Covid-19-related products. Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo mistulang mga buwetre ang mga online sellers na pinagkakakitaan ang takot ng publiko sa coronavirus disease 2019. “These online sellers […]
MAY mapagkukuhanan umano ng pondo ang Department of Education upang mabigyan ng tig-P1,500 buwanang internet allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) ngayong taon ang DepEd ay may P95 bilyong maintenance and other operating expenses (MOOE) at P30.6 bilyon dito ay para sa operasyon ng eskuwelahan. Dahil hindi […]
MATAPOS na mabigong magsumite ng bid para sa hosting ng 2030 Asian Games, sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na magbi-bid ang Pilipinas para maging host ng Asian Indoor Martial Arts Games (Aimag) at Asian Beach Games. “We will definitely make a bid in these Games. Sports is a unifying force […]
ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng mahigit P2.54 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa General Trias City, Cavite, kagabi. Naaresto si Muad Romorus Abedin Mangotara sa buy-bust operation sa tinitirhan niyang subdivision alas-8:30, ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa. Isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group (DEG) at Cavite provincial police ang operasyon sa […]
ANG pagtulong umano sa mga Micro, Small and Medium Enterprises umano ang susi sa pagdami ng mga nawalan ng trabaho dulot ng epekto ng coronavirus disease 2019. Ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera bagamat ang MSMEs ang malubhang tinamaan ng pandemya, ito rin ang susi upang muling dumami ang […]
NAGBIGAY ng 10 tent ang Quezon City government sa Metro Rail Transit 3 para may masilungan ang mga nakapilang pasahero. Ang mga tent ay inilagay sa mga istasyon sa North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning at Cubao. Ang mga istasyong ito ay mayroong mataas na bilang ng mga pasahero. Limitado lamang ang pasahero na pinasasakay sa […]