Jennylyn sa BIR: Baka pwedeng unahin ang pagsingil ng tax sa illegal POGO, wag muna online sellers
INULAN ng batikos at reklamo ang plano ng pamahalaan na patawan na rin ng tax ang nga online sellers at ipa-register ang kanilang mga negosyo.
Hindi lang mga maliliit na negosyante ang umalma rito kundi pati na rin ang ilang celebrities na napilitan na ring rumaket online dahil sa kawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
Isa na riyan ang Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado na matapang na nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa isyu.
May sarili nang business ngayon si Jen na nagsimula rin sa online kaya alam niya ang pakiramdam ng mga taong umaasa lang ngayon sa pagtitinda sa pamamagitan ng social media.
Ayon sa aktres, sana raw ay pagtuunan din ng pansin ng govyerno ang pagsingil ng karampatang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Ibinahagi ng girlfriend ni Dennis Trillo ang kanyang saloobin tungkol balak ng BIR na patawan na rin ng buwis sa online selling.
“Nakakalungkot na pati pa pala online sellers itatax na ng BIR. Kungdi ka naman kasama sa tax bracket kakailanganin pa rin kumuha ng Mayor’s permit at magregister sa DTI na gastos din.
“Kawawa naman ang mga Pilipinong madiskarte na gumawa ng paraan para kumita ngayong madaming nawalan ng trabaho at nagsaradong businesses.
“Sa mga lumabas na articles online, baka naman pwedeng mas unahin muli itax ang POGO at hanapin ang mga illegal na POGO na hindi nagbabayad ng buwis.
“Baka pwede iba muna ang kuhanan ng pondo ng BIR. Huwag naman muna sana ang mga Pinoy na nakahanap ng paraan upang kumita ngayong pandemya…
“Kaya Magtulungan tayo. Always remember to support local! — Jen.”
Jennylyn also took time to reply to some of her followers while encouraging them to share their thoughts for a open discussion on the matter. She responded to one comment with, “Thank you po Pero don’t forget to register sa DTI to get your permit to sell online kahit na hindi 250thou net and annual income ninyo.
“Saka po sa mga nangyayari ngayon anong mas gusto niyong itax muna ng gobyerno mga Pilipinong online sellers or habulin nila mga POGO na hindi pa bayad
“Hindi porket hindi kayo online seller na hindi required magbigay ng buwis doesn’t make this any less disappointing. Ilagay din po natin yung sarili natin sa mga taong magbabayad na hanggan ngayon ay hindi pa nakakarecover ang finances sa mga pangyayari
“Isa sa concern ko ay ang baka makaapekto din po eto sating consumers na namimili sa mga online businesses na maitatax. Pwede nilang mahalan ang presyo ng mga bilihin to compensate sa ibabawas sa tax.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.