P1,500 internet allowance ng teacher kayang pondohan | Bandera

P1,500 internet allowance ng teacher kayang pondohan

Leifbilly Begas - June 12, 2020 - 12:58 PM

MAY mapagkukuhanan umano ng pondo ang Department of Education upang mabigyan ng tig-P1,500 buwanang internet allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) ngayong taon ang DepEd ay may P95 bilyong maintenance and other operating expenses (MOOE) at P30.6 bilyon dito ay para sa operasyon ng eskuwelahan.

Dahil hindi pupunta ang mga estudyante sa paaralan, malaki umano ang matitipid sa kuryente at tubig na maaaring ilaan sa internet allowance ng mga guro.

Aabot sa P16.5 bilyon o P1.5 bilyon kada buwan mula Hunyo 2020 hanggang Abril 2021 ang gagastusin sa internet allowance na isinusulong ng ACT.

“Internet connection is basic and vital for DepEd’s work-from-home arrangements and distance learning. Without it, teachers won’t be able to conduct meetings, enroll learners, submit forms and reports, hold classes, and monitor and assess students. Hence, DepEd must fund this necessity that now plays key to its mandate to deliver education,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

Tinuligsa ni Basilio ang DepEd na nagsabi na maaari umanong gamitin ng mga guro ang P3,500 taunang teaching supplies allowance para matugunan ang kanilang pangangailangan sa distance learning.

“DepEd is making it appear like teachers are getting a new allowance when in fact it is an old benefit that teachers gained through years of struggle and is now sorely insufficient given the great financial demands of distance learning on teachers,” ani Basilio.

Nakatipid din umano ang DepEd sa P200-P300 cellphone load allowance na ibinigay nito sa mga guro para sa webinars dahil mas mura ito kumpara sa P1,500 na inilalaan nito kada guro sa seminar bago ang pandemic.

Maaari rin umanong gamitin ang pondo para sa biyahe ng mga opisyal sa ibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending