3K jeepney driver sa Maynila merong 1 sakong bigas, grocery items
MAKAKATANGGAP ang mahigit 3,000 jeepney drivers sa Maynila ng tig-iisang sakong bigas at grocery items mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), sa kasalukuyan ay nabigyan na ng ayuda ang 1,303 miyembro ng Pasang Masda, Fejodap at iba pa ang asosasyon.
Iniabot ang ayuda ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTBP).
Ayon kay Mayor Isko Moreno, prayoridad ng city government na mabigyan ng tulong ang mga driver na hindi nakakapasada bunsod ng umiiral na general community quarantine (GCQ).
“Ang mga sektor na lugmok na lugmok na, ang mga jeepney drivers, hirap na hirap na ‘yan, kaya nagpadala tayo,” ani Moreno.
Dagdag ng alkalde, pabor siya na maibalik sa pamamasada ang mga driver ng jeep.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.