QC gov’t nagbigay ng tent para sa mga pasahero ng MRT3
Leifbilly Begas - Bandera June 12, 2020 - 12:12 PM
NAGBIGAY ng 10 tent ang Quezon City government sa Metro Rail Transit 3 para may masilungan ang mga nakapilang pasahero.
Ang mga tent ay inilagay sa mga istasyon sa North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning at Cubao.
Ang mga istasyong ito ay mayroong mataas na bilang ng mga pasahero.
Limitado lamang ang pasahero na pinasasakay sa bawat bagon bunsod ng ipinatutupad na social distancing policy.
Sa bawat train set ay 153 pasahero lamang ang pinasasakay o 51 pasahero kada bagon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending