April 2020 | Page 29 of 121 | Bandera

April, 2020

6 huli sa paglalasing

KALABOSO ang anim katao na nag-inuman umano sa pampublikong lugar sa Quezon City kagabi. Inaresto ng Galas Police sina Ernesto Cornejo, 38, Allan Canape, 24, Boyet Denaga, 24, Monica Reyes, 20, Richard De Leon, 27, at Leonardo Mercado, 27. Naaresto ang mga suspek alas-11 ng gabi sa kahabaan ng G. Araneta Ave., Brgy. Tatalon. Ipinaalala […]

Angkas driver huli sa 48 bote ng beer

ARESTADO ang isang Angkas driver sa paglabag sa liquor ban sa Quezon City kahapon. Si Donn Dave Eric Agupitan, 33, ng Caloocan City, ay naaresto sa quarantine control point sa San Agustin st., Villa España 2, Brgy. Tatalon, nang dumaan ang suspek na sakay ng motorsiklo. May dala umanong dalawang kahon ng alak na inorder […]

Pasukan posibleng ilipat sa Setyembre sa mga lugar na nasa GCQ

INIREKOMENDA ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Duterte na ilipat ang pagbubukas ng pasukan sa Septyembre sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine dahil sa coronavirus disease. Sa bagong guidelines na isinumite ng IATF, ilang lugar ay inilipat ang status mula sa Enhanced Community Quarantine sa GCQ. Sa ilalim ng GCQ, pinagaan […]

Neil Arce kay Angel: I declare protection over you in Jesus name! 

NATUPAD na ni Angel Locsin ang kanyang wish hindi pa man sumasapit ang kanyang 35th birthday. Ayon sa kanyang film producer fiancé na si Neil Arce, masayang-masaya si Angel ngayon dahil napakarami niyang natulungan sa panahon ng health crisis. Halos isang taon na ang nakalipas mula nang mag-propose si Neil sa kanyang girlfriend at ngayong […]

Container van ginagawa nang mobile health facility ng DPWH

GINAGAWA nang mobile health facility ng Department of Public Works and Highways ang mga shipping containers. Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar may nagawa ng prototype ng health facility ang DPWH-National Capital Region. “While spread of infection seems to have slowed down because of the enhanced community quarantine, we just have to be ready in […]

Manufacturing companies payagang mag-operate kung….

KAKAILANGANIN na umanong palawigin ang produksyon ng ilang pabrika upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang suportado niya ang pagpapalawig ng ECQ subalit dapat ay magkaroon ng pagbabago sa polisiya sa manufacturing, supply […]

Tulong sa magsasaka, OFW bilisan

IPINAMAMADALI ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang paghahatid ng tulong sa mga magsasaka na siyang titiyak na may makakain ang mga Filipino. Ayon kay Romero P3 bilyon ang inilaan para bigyan ng tig-P5,000 ang 591,246 magsasaka. “These are those tilling one hectare or less in 34 provinces who are to get P5,000 each,” ani […]

Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.2 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.2 lindol ang Sultan Kudarat kagabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:06 ng gabi. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa silangan ng bayan ng Columbio. May lalim itong siyam na kilometro. Naramdaman ang Intensity II sa Kidapawan City.

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending