Mga lugar na hindi sakop ng ECQ isasailalim sa new normal o general community quarantine (GCQ)--Roque | Bandera

Mga lugar na hindi sakop ng ECQ isasailalim sa new normal o general community quarantine (GCQ)–Roque

Bella Cariaso - April 24, 2020 - 12:27 PM

SINABI ni Presidential Spokeseprson Harry Roque na isasailalim sa new normal o general community quarantine (GCQ) ang lahat ng probinsya na hindi sa enhanced community quarantine

(ECQ).

“Dito po sa mga lugar na mapapasailalim sa general community quarantine ay may mga areas po na moderate na naka-orange. Ang ibig pong sabihin nito mag-e-evaluate pa po kung ano ang mangyayari dito sa mga lugar na ‘to kung magkakaroon nga ng general community quarantine o mananatili ang ECQ,” sabi ni Roque sa ulat kay Pangulong Duterte.

Idinagdag ni Roque na kabilang sa mga probinsyang na patuloy na nirerepaso ang Abra, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Aklan, Capiz, Samar, Western Samar, Zamboanga Del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao.

 

“Iyong mga areas naman po na low at moderate ay mapapasailalim nga po sa GCQ, ang new normal. Iyong mga moderate na areas po ay ang mga probinsyang Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao del Sur, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Lanao del Sur. At ‘yung mga low po na areas na mapapasailalim din sa general community quarantine ay mga probinsya ng Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Aurora, Palawan, Romblon, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Sarangani, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan at Sulu,” dagdag ni Roque.

 

Idinagdag ni Roque na sa ilalim ng GCQ, maaari nang magtrabaho ang mga manggagawa sa sector I, II at III.

“Ito po’y gagawin on a work in phase. Iyong mga bata po edad 0 hanggang 20 at ‘yung mga matatanda 60 and up and high health risk, mananatili po sila sa kanilang mga tahanan,” paliwanag ni Roque.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Papayagan po ang mall opening covering non-leisure shops, papayagan po ‘yung mga priority and essential construction projects na mag-resume. Papayagan po ang non-workers to go out to buy goods and services except those pertaining to sector category IV, ‘yung leisure at mga kabataan. Papayagan din po ang public transport na mag-operate at reduced capacity at ang LGU po to enforce curfew at night doon po sa mga hindi manggagawa,” ayon pa kay Roque.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending