ChiKapalaran (April 28-May 4, 2025): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo

MONDAY na naman mga besh! Bago ang lahat, drink lang kayo nang drink ng water para hindi ma-dehydrate sa tindi ng init dala ng super hot summer season!
As expected, here na naman ang inyong resident charotera reader na magsisilbing gabay sa magiging takbo ng challenging but colorful n’yong buhay sa pamamagitan ng ChiKapalaran for this week!
ARIES (March 21-April 19)
Huy! Iwasan muna ang pagiging attitude, besh dahil baka ito ang maging mitsa ng pagdating ng kamalasan sa iyong life. Pag-isipan ding mabuti ang planong pagre-resign sa work dahil baka pagsisihan mo lang sa huli.
Lucky Color: White
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 3 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Bored ka na sa ginagawa mo araw-araw, pero hindi ito sapat na rason para maglola-lokahan. Huwag basta sasama sa taong ngayon mo lang nakilala. Kung makikipag-date, magsama ng isang friend para secure ka at makaiwas sa panganib at peligro.
Lucky Color: Yello
Lucky Number: 5
Swerte Meter: 2 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Ang red flag ay red flag ay red flag, mars! Stop na ang pagbubulag-bulagan dahil kahit anong gawin mo, universe na ang nagsasabing hindi siya ang iyong the one.
Pero kung talagang gusto mo pa ring sumugal, sige lang – kuwento mo naman ‘yan e! Siyempre lagi kang tama d’yan, pero walang sisihan sa huli besh, ha!
Lucky Color: Red
Lucky Number: 20
Swerte Meter: 2 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Good news! May darating na blessing para sa ‘yo, for today’s video. Kaya relax-relax ka lang diyan and enjoy life. This is also the tamang panahon para mag-invest sa sarili – enough muna ang pagiging generous to a fault.
Lucky Color: Beige
Lucky Number: 20
Swerte Meter: 4 Stars
LEO (July 23-August 22)
Start your week with positive thoughts at huwag bigyan ng space ang kanegahan. Keribels lang ang ma-sad paminsan-minsan dahil part naman talaga yan ng life pero huwag mo namang karirin everyday.
Magpaka-busy ka mina this week – pwede kang mag-general cleaning sa bahay para maging maaliwalas ang iyong paligid, maganda ang magiging epek nito sa iyong isip at puso.
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 3
Swerte Meter: 4 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Bongga ka ‘Day! May matatanggap na sorpresang balita mula sa isang kaibigang matagal mo nang hindi nakikita. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, grab the opportunity and say hello to a new phase of your career.
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 26
Swerte Meter: 3 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
Magkakayayaan ang iyong tropa sa isang out-of-town trip. Sumama ka dahil ito na ang pinakahihintay mong bakasyon para makapag-recharge at magpagpag ng stress.
Pero mag-ingat sa isang taong makikilala sa pupuntahang lugar – huwag basta magtitiwala, observe-observe lang muna.
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 27
Swerte Meter: 4 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Digital na ang karma besh! Kaya pigil-pigil muna sa pagiging Marites this week dahil posibleng mag-back-to-you ang tsismis na ipinagkakalat mo. Kung hindi ka titigil – tsismis now, boldyak later ang aabutin mo. Mahal at stressful ang demandahan.
Lucky Color: Turquoise
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 1 Star
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Huwag pairalin this week ang init ng ulo. Super hot, hot, hot ang panahon ngayon kaya maaaring magsalubong ang galit ng taong makakasagutan mo na isa ring palaban at walang inuurungan. Mas mabuting pairalin ang pagpapakumbaba kesa mauwi sa barangayan ang pwede namang resolbahin sa maayos na usapan.
Lucky Color: Brown
Lucky Number: 14
Swerte Meter: 2 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
It’s not yet the time to sign, mga beshy nating Capricorn! Iwasan munang pumasok sa business hangga’t hindi pa solid ang plano.
Pero pagdating sa love, this is it, is it, is it! Go, go, go na yan! Lavarn na besh at wagayway ang bandera ng itinadhanang pag-ibig!
Lucky Color: Indigo
Lucky Number: 4
Swerte Meter: 4 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Hindi masyadong papabor sa iyo ang tadhana this time kaya ihanda na ang sarili sa posibleng mangyari. Pero huwag munang mawarak at madurog dahil may isang balita namang magpapagaan ng feelings mlo. Basta palaging tandaan – you deserve better.
Lucky Color: Black
Lucky Number: 18
Swerte Meter: 3 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Darating na ang inaasahang pera pero huwag munang waldasin sa pangungulit ng barkada dahil may biglaang gastos na ikawiwindang mo. Mas mabuting ready ka anytime para hindi iwas-stress at kanegahan.
Lucky Color: Orange
Lucky Number: 35
Swerte Meter: 4 Stars
Uy, mga besh, palaging tandaan, ang mga nakasulat dito ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.