IPINAMAMADALI ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang paghahatid ng tulong sa mga magsasaka na siyang titiyak na may makakain ang mga Filipino.
Ayon kay Romero P3 bilyon ang inilaan para bigyan ng tig-P5,000 ang 591,246 magsasaka.
“These are those tilling one hectare or less in 34 provinces who are to get P5,000 each,” ani Romero.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture noong Abril 14 ay 52,043 o 8.8 porsyento pa lamang ang nabigyan ng tulong.
Noong Miyerkules sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na 22 porsyento na ang nabigyan ng tulong.
Kailangan din umanong bilisan ang pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers ng Department of Labor and Employment.
Sa 135,720 OFW na nawalan ng trabaho, 86,054 ang nag-apply ng financial assistance.
Hanggang noong Abril 16 ay 3,245 aplikasyon na ang ipinoproseso ng Department of Labor and Employment.
Nanawagan din si Romero sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 na humingi ng tulong. May P1.5 bilyon ang DOLE para rito.
Natulungan naman ng DOLE ang 416,202 sa 557,924 na empleyado na nawalan ng trabaho o nabawasan ang suweldo dahil sa Enhanced Community Quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.