Daniel: Beach wedding ang gusto namin ni Kathryn...I think we have to plan now | Bandera

Daniel: Beach wedding ang gusto namin ni Kathryn…I think we have to plan now

Ervin Santiago - April 24, 2020 - 01:50 PM

“SANA dire-diretso na tayo hanggang sa katapusan!”

Yan ang nakakakilig na birthday wish ni Daniel Padilla para sa kanila ni Kathryn Bernardo. Ngayong araw ay nagse-celebrate ng kanyang 25th birthday si DJ at siya ang ang special guest sa “Magandang Buhay” kaninang umaga.

Hiningan siya ng mensahe para sa kanyang girlfriend, “Kay Kathryn, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat nang paggabay sa akin, sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, sa suporta na ibinibigay niya sa akin, you know, my partner in life.

“Thank you at hindi ako nagkamali, never akong nagsisi sa desisyon na ginawa ko for you. And I’m always here for you Bal (tawag niya kay Kath) para suportahan ka rin sa lahat ng mga pangarap mong gawin. 

“Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdadaanan ka. Wish ko para sa ating dalawa ay dumi-diretso na tayo hanggang sa katapusan,” pahayag pa ng King of Hearts.

Pagpapatuloy pa ng binata, “Natututo ako at nag-go-grow kami. Nag-fi-feed kaming dalawa sa knowledge na mayroon kami. Nagtutulungan lang kaming dalawa. Talagang she makes me a better person.”

Ano nga ba ang sikreto ng kanilang relasyon? “I think it’s the respect towards your partner. Isa sa pinakaimportante ay ang respeto sa isa’t isa. 

“Wala namang perfect na relationship kaya kapag nagkakaproblema siguro pinipili namin to stay, every time. Kapag nagkakaproblema kami lagi kong binabalikan all the things na ginawa ni Kathryn para sa akin, hindi lang ‘yung nangyaring problema ngayon. 

“I always look back kung paano binago ni Kathryn ang buhay ko, ano ang natutunan ko sa kanya at sino ba siya bilang my partner in life,” mahabang paliwanag ni DJ.

Aniya pa, “Laging ganu’n, kasi I think nag-co-complement kasi nirerespeto ko ang mga desisyon niya, nirerespeto niya ang mga desisyon ko. It’s a give and take, give ang take ang relationship, hindi puwedeng umiikot sa isang tao, yun siguro yon.”

May dream wedding na ba sila ni Kathryn? “Ang dream wedding naman namin pareho is beach wedding. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yun, I think it’s important na alam mo lang ‘yung mga ganu’ng bagay sa partner mo, mas lumalapit na sa reyalidad ‘yung mga ganu’ng bagay. I think we have to plan now, di ba?” dugtong ni DJ.

Hindi naman naka-join sa birthday celebration ni DJ sa Kapamilya morning talkshow si Kathryn dahil nagkasakit daw ang dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending