Dalawang kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay at tatlong mataas na kalibreng baril ang nabawi, nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang bandidong grupo sa Patikul, Sulu, Miyerkules ng umaga, ayon sa militar. Naganap ang engkuwentro sa Patikul Hill dakong alas-7, sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces Joint Task Force […]
MULING nasira ang Metro Rail Transit Line 3 ngayon araw at naapektuhan ang daan-daang pasahero, ilan sa kanila ay naglakad sa gilid ng riles pabalik sa istasyon. Alas-2:55 ng hapon nang pababain ang mga pasahero sa Quezon Avenue station north bound matapos na magkaroon ng technical problem ang tren. Nagpatupad naman ng provisional service interruption […]
Patay ang isang intelligence operative ng pulisya habang anim pa katao ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa isang pa-concert sa Balayan, Batangas, iniulat ng pulisya. Isinugod pa sa ospital si SPO1 Brian De Jesus, intelligence operative ng Balayan Police, pero di na umabot nang buhay dahil sa mga tama ng […]
Nasawi ang isang pulis nang paulanan ng bala ng mga kasapi ng New People’s Army ang patrol base sa Sibagat, Agusan del Sur, ayon sa pulisya. Ikinasawi ni PO1 Sharmaine Cañete ang tama ng bala sa ulo, sabi ni Chief Supt. Rolando Felix, direktor ng Caraga regional police. Naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng umaga […]
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Masbate ngayong hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4 ng hapon. Ang sentro nito ay 14 kilometro sa silangan ng Masbate. May lalim itong dalawang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. […]
MARIING itinanggi ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson na siya ay bulag na tagasuporta ni Pangulong Duterte. Ito ang sagot ni Uson matapos ang pahayag ng nakadetine na si Sen. Leila de Lima sa kanyang pagkakatalaga bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). “Nagpapasalamat po ako at meron po syang mensahe na huwag […]
Nasawi ang 71-anyos na babae nang pagtatagain ng isang tricycle driver sa Calapan City, Oriental Mindoro, ayon sa pulisya. Patay din ang suspek nang tagain tagain din umano ang sariling ulo, matapos makorner ng taumbayan. Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga Martes sa tapat ng Ibaba Elementary School sa Brgy. Ibaba West, sabi ni […]
Nanalo ang Radyo Inquirer DZIQ 990 bilang ‘Best AM Radio Station in Metro Manila’ sa katatapos na Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas Golden Dove Awards. Tinanggap ni Arlyn dela Cruz, news director ng himpilan, ang parangal sa isang seremonya na ginawa sa Star Theater sa Pasay City. […]
NAGHAIN ang natalong kandidato para sa pagkamayor sa San Juan na si dating Vice Mayor Francis Zamora ng petisyon na nagsusulong ng recall election sa lungsod kung saan kinukuwestiyon niya ang pagkapanalo ni San Mayor Guia Gomez. Isinumite ni Zamora ang 30,000 pirma mula sa mga residente ng San Juan na dismayado umano sa liderato […]
Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng kulungan upang maipasuri ang kanyang nananakit na balikat. Ayon sa korte, makalalabas ng Philippine National Police Custodial Center si Estrada mula alas-12 ng tanghali ngayong araw (Huwebes) hanggang 6 ng gabi o hanggang matapos ang eksaminasyon. “Accused Estrada […]
Bumaba ang bilang ng mga tao na nakakakita ng pag-asa na giginhawa ang kanilang buhay, ayon sa survey ng Social Weather Station. Mula sa 48 porsyento noong Disyembre, naitala sa 43 porsyento ang optimist o mga naniniwala na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan. Ang mga pessimist naman o walang nakikitang pag-asa […]